Tayo na naman ulit mauulit na naman ang mga sakit na mararamdaman, takot ng sumugal pero heto na naman ang puso kung ikaw ang sinisigaw.Kakalimutan na dapat kita pero bumalik ka na naman sa aking tabi, dapat pa bang maniwala sa pangako kung noon nga'y napako.
Natuto na akong bumitaw sa lubid na may lamat na pero heto ulit ako humahawak sa lubid na alam kung sakit din ang kapalit sugat sa palad at sa pusong unti-unting na pupunit.
Susugal ulit kahit namimilipit parin sa sakit ng kahapong iyong ipinagkait.
Tayo na naman ulit kaya sanay di na maulit ang kasalanang naging kapalit kung bakit ang kahapon ay kay pait ng alalahanin pa.
Tayo na naman ulit at sanay may pag babago ng maipapalit sa mga sakit na iyong na ukit sa pusong napunit.
Tayo na naman ulit at ngayon sanay dimo na ipag palit ang kasiyahang ngayoy ating muling inukit.Hope you like it psychobears mwuaps
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
PoetryTulang gawa ng malikot kong isipan na kung saan ang bawat akda ay pawang di makatotuhanan