DATING TAYO

26 13 14
                                    

Hi!, hello mga batian sa tuwing nag tatagpo Tayo sa daan
"Kumusta?" "okay lang" mga kamustahan sa tuwing nag uusap tayo
Hanggang sa di kalaunan ang hi at hello, ang kumusta at okay lang ay nag iba.. Iba na ang lumalabas na kataga sa mga labi mo naging "kumain kana ba? Wag kang mag papagutom huh, Nag kasakit ka? Uminom ka ng gamot at mag pagaling ka papakasalan pa kita" mga Salitang binitawan mo nong tayo pang dalawa.


Habang kausap ka sa telepono'y abot hanggang tenga ang ngiti ko marinig ko lamang ang boses mo na parang musika sa pandinig ko, ang mga asaran na laging na uuwi sa "Goodnight sweet dreams, I love you" mga alaalang binabalik balikan dahil diko pa gustong kalimutan mga masasayang alaala na naka tatak parin sa aking isipan
At ang sakit na nadarama ko noon ay damang dama ko parin Hanggang ngayon.


Isa, dalawa, tatlo pinikit ko ang mga mata ko sa pag aakalang panaginip lamang ito at umaasa na sa pag dilat ng mga mata ko ako parin ang kasama mo, ako parin at hindi siya, ako parin at wala ng iba
Pero sadyang mapag biro ang tadhana dahil sa pag dilat ng mga mata ko andon ka.. Kasama siya at ang saya ninyong dalawa samantalang ako nandito sa isang tabi ngumingiti na parang tanga maiparating lang sayo na masaya ako para sa inyong dalawa, na kahit sa loob loob ko ay nasasaktan parin ako dahil pinagpalit moko sa iba.


Sana may time machine para pwede kung balikan yung mga araw at oras na di pa kita kilala, yung araw na Nag kakasalubong tayo sa daan pero walang kibuan, yung mga araw na pag aaral lamang ang ina atupag ko at hindi ang pag iisip sayo.


Bago ko tapusin ang tulang ito gusto ko lamang ipa rating sayo na.. Pasensya na ngayon ko lang na isipang pakawalan ka, ngayon ko lang napagtanto na hindi na.. Hindi na maibabalik yung dating tayo.






Hope you like it psychobears mwuaps

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon