Lumabas na kami ni Val sa room ko at dumiretso muna ng cafeteria. Hindi kami nakaattend ng klase nung umaga kaya balak ko na lang ay pumasok ngayong hapon pagkatapos namin maglunch.
"Ahmm,Tanya,Sigurado ka bang papasok ka ngayong hapon???K-Kasi andun din sila Kuya mamaya,hindi lang sila pati mga elites ay andun dahil kaklase mo sila sa lahat ng subjects."sabi sa akin ni Val. Ngumiti naman ako sa kanya."Okay lang,sanay na ako dyan."sabi ko sa kanya para mapagaan lang ang loob nito kahit ang totoo hindi ako sanay na merong mga tao na naiinis o nagagalit sa akin.
Sanay kasi ako na makisama sa lahat ng nga tao na nakikilala ko pero sila rin kasi yung pakisamahan kaya di ko rin alam kung ano ang gagawin ko mamaya.
Ang alam ko lang naman kasi aaral ako rito!!!!!!!Bakit ba may mga angkan angkan pa kasi yan eh!Bakit ba kasi may mga paniniwala sila?Hayssss.
Hindi magiging madali ang pag-aaral ko rito. Kainis!!!!
"Tanya.....Tanya....."tawag sa akin ni Val huminto naman ako sa pag-iisip ng malalim."A-Ano yun???"tanong ko naman sa kanya may bitbit na itong mga pagkain."Ano kasi kanina ka pa dyan tulala,Okay ka lang ba talaga???"tanong nito sa akin.Tumango naman ako at kinuha ang binili nitong pagkain sa akin."Nakuha mo na ba ang meal card mo?"tanong nito sa akin. Ang meal card kasi yan ang ginagamit nila rito pagbibili ka ng pagkain rito sa cafeteria."Ah,Oo,dito sa akin mamaya ako naman maglilibre sayo."sabi ko naman sa kanya. Ngumiti naman ito at umiling."Huwag na."sagot nito sa akin.
"P-Pero ikaw kasi nagbayad nitong lunch ko."sagot ko naman sa kanya."Okay lang,maliit na bagay to kumpara sa ginawa mo kanina para sa akin."nakangiting saad nito sa akin.
Wala naman akong nagawa kundi ang ngumiti na rin."Salamat."sabi ko sa kanya masigla naman itong tumango at nagsimula ng kumain.
Habang kumakain naman kami ay biglang dumating ang mga Crux. At parang diyos naman ang tingin ng halos lahat na estudyante sa kanila habang si Valentina naman ay nakayuko."Val,huwag ka ngang yumuko,huwag kang matakot sa kanila dito naman ako eh."sabi ko naman sa kanya.
"Ano kasi-----"di na natapos na sabi nito."Shhhh, Magkaibigan nga tayo di ba."sagot ko naman sa kanya. Nahahalata ko naman kasi na parang ang trato sa kanya ng mga estudyante ay parang di siya nag-eexist sa mundong ito.
Nakaramdam naman ako ng malamig na presensya sa likod ko at agad kong nilingon ito saka bumungad sa akin ang nga Crux.
"Enjoying your meal, Achristos?"sarkastikong tanong sa akin ni Vallad. Mabilis naman sila tandaan kasi nga sa kulay ng mga buhok nila."Yeah. Pero ng dumating kayo ay nawala lahat ng gana kong kumain."sagot ko naman sa kanya. Matapang ako sumagot pero ramdam ko ang kaba sa buong sistema ng katawan ko."Ohhhh, Isn't she a feisty girl?Hahaha."natatawang sabi naman ni Vladimir."Yeah,feisty enough that I want to snap her neck."inis na sagot ni Vallad."Tss, we're wasting our time here."sabi naman ni Vitorikuo."That's just another useless being so let's already take our lunch."sagot naman ni Velior.
"Would stop calling me a useless being?Hindi na kasi nakakatuwa."sabi ko sa kanila. Agad na tumingin sa akin si Rouko."Then leave this school."sagot nito sa akin."Hindi ako aalis,kaya huwag kayong umasa na mapapaalis niyo pa ako rito."sagot ko rin sa kanya.
Kailangan ni Valentina ng kaibigan kaya kung maari titiisin ko ang mga sinasabi nila,hindi ko iiwan rito si Val.
"Let's go."sabi naman ni Valentino."Just wait, Achristos. You know what hell feels like."sabi naman sa akin ni Vallad."Even for you,Failure."sabi naman ni Velior sabay tingin kay Valentina.
Di na ako nakasagot pa dahil umalis na sila,napahinga naman ako ng malalim. Now I'm so fucked up.
"Sorry kasi di ko man lang nakayanan na sumagot sa kanila."sabi sa akin ni Val. Huminga naman ako ng malalim."To have courage is not easy kaya huwag mong isipin na dapat kang manghingi sa akin ng kapatawaran."sabi ko naman sa kanya."Pero you need to defend yourself."pagpapatuloy ko pa.
Ngumiti naman ito."I will do my best,Tanya."nakangiting saad nito sa akin. Natapos na namin ang aming lunch at saka pumasok na sa susunod na klase namin. Ang subject ngayon ay Fundamentals of Political Science.
Pagkapasok namin dun ay andun na rin ang guro. Parang di niya kami nakita at hindi man lang ito nagbigay pansin sa amin ni Val. Nagtaka naman ako pero di ko na lang ito pinansin kahit mga kaklase namin ay di rin kami nilingon.
"Tanya,ganyan talaga sila,di tayo nag-eexist para sa kanila lalo na at kasama mo ako."sabi nito sa akin. Di naman ako sumagot at umupo na lamang ako sa upuan ko at katabi ko si Val.
Agad na may pumasok na isang babae. Kakaiba ang ganda nito at nabiyayaan ito ng kulay asul na mata. Napamangha naman ako sa ganda niya. Agad naman bumulong sa akin si Valentina."Yan ay si Olivine Laurent. Ang nasa 9th seat,ang ganda niya no??sabi sayo eh."sabi naman nito at umupo ito sa harapan namin ni Val.
Sunod namang pumasok ay ang limang estudyante ang isang babae ay may glasses at ang isang lalaki naman ay parang basagulero,sa tabi nito ay isang matangkad na lalaki na,tapos ang isa naman ay naka pormal lang at ang isa naman ay malayo sa kanilang apat at may dala itong mga pagkain at ang kanyang mata ay kulay itim
"S-Sino sila???"tanong ko naman kay Val."Sila rin ang ibang miyembro ng elites,ang babaeng may glasses ay si Alita Beaumont ang sa 7th seat,yang lalaki na parang basagulero naman ay si Volkov Beaulieu ang nasa 8th seat sa tabi nito ay si si Moreno Cyr ang nasa 10th seat at yang pormal naman kung kumilos ay si Van Armstel Marseille ang nasa last seat yang nasa hulihan ay si Zolan Walsh ang sa 11th seat."sagot naman sa akin ni Val.
"Hindi ka ba marunong maghintay, Olivine?"inis na tanong sa kanya ni Volkov."Why would I?"sagot naman sa kanya ni Olivine sabay irap sa kanya."Tss what a bitch."inis na sagot ni Volkov. "Magpinsan silang dalawa. Ang nanay nila ay magkapatid."mahinang sabi ni Val sa akin.
Saka pumasok naman ang dalawang estudyante."Fuck,I already told you na huwag mo kong pilitin pumasok rito!Fuck you,Lucretia."inis na sigaw ng isang lalaki. "Yan si Drogo Fournier ang sa 13th seat at Lucretia King ang sa 14th seat,sabay silang lumaki."bulong ni Val sa akin.
Umupo silang lahat sa harapan namin malapit kay Olivine. Saka may pumasok na isang babae at may bahid ng dugo ang kanyang kamay at mukha.
"Did the torture went well?"tanong sa kanya ni Alita sabay ayos ng kanyang eye glasses."Yeah,it was fun."sagot naman nito sa kanya."Siya si Yvaine Young ang sa 12th seat."mahina bulong ni Val.
Umupo rin ito sa harapan namin saka biglang dumating ang mga Crux. Sa ilang segundo ay nagkasalubong ang aming mga mata ni Rouko.
Valiruoko Crux.
BINABASA MO ANG
Half blood Queen
FantasyHer life was so simple. Masaya ang pamumuhay niya kasama ang magulang niya at ang nag-iisa nitong kapatid. Isa siyang scholar sa isang kilalang elite school. Hindi siya masyadong naniniwala sa mga supernatural para sa kanya everything was created b...