HBQ 7

34 2 1
                                    

Natapos na ang klase at agad kaming lumabas ni Val. "Dinner muna tayo,Tanya."sabi nito sa akin. Tumango naman ako. Nang makarating na kami sa cafeteria ay dun na nagsimula magsitinginan ang lahat sa amin,nanibago naman ako dahil kanina parang mga multo kami rito ngayon naman makikita nila kami.

Tahimik lang kaming pumasok ni Val at ako na ang nagpresenta na mag-order. "Isa nga ho ng meal A at ng meal C."sabi ko naman. Pero halos di makatitig sa akin ang tindera. Pero binigay naman nito ang pagkain ko kaya bumayad naman ako gamit ang meal card ko pero dumoble ang presyo ng meals na binili ko. Nagtaka naman ako."Miss ang meals na binili ko ay worth 300 lang ba't naging 600 yung binawas niyo sa meal card ko?"tanong ko naman sa kanya.

"Yan ang utos sa amin doblehin ang presyo ng binibili mo."sagot nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Kinuha ko na lang meal card ko at ang pagkain.

Kagagawan naman ito ng mga Crux. Inis akong lumapit kay Val at nakatayo pa rin ito."Nakahanap ka na ba ng table,Val?"tanong ko naman sa kanya."H-Hindi eh."sagot nito sa akin. Tumahimik na lamang ako at sinenyasan siya na lumabas ng cafeteria."Pwede naman siguro na sa room na lang tayo kumain,di ba?"tanong ko naman sa kanya."A-Ano pwede sa r-room ko. May konting dining room ako dun."sagot nito sa akin,agad naman akong tumango.

Dumiretso na kami sa kwarto ni Val. Kahit na hindi ito tinuturing na pamilya ng mga Crux ay kitang-kita pa rin kung gaano sila kayaman. Ang lawak ng buong kwarto nito kung titingnan ko parang ganito kalawak ang living room namin papuntang kitchen.

O mas malaki pa. Tapos meron rin itong veranda. Napamangha naman ako. Halatang galing pa rin ito sa mayamang pamilya.

"Ang ganda ng kwarto mo,Val."sabi ko naman sa kanya."Thank you,dito na lang tayo kumain. Kahit na hindi nila ako nakikita bilang pamilya ay hindi naman ibig sabihin nun ay di nila ako sinusuportahan sa mga pangangailangan ko at gusto."sabi naman nito sa akin.

"Nga pala bakit ka nagtransfer dito sa Vamquoir???"tanong naman sa akin ni Val habang inaayos nito ang lamesa.

"Ewan ko rin,okay naman ako sa dati kong school pero ang kuya ko ang nagenroll sa akin rito."sagot ko din sa kanya. "Baka merong maganda rin na rason ang kuya mo. Kwentuhan mo ko tungkol sa buhay mo."masigla nitong sabi sa akin. Tumango naman ako."Well,dalawa kaming magkapatid ang Kuya Taeyan ko ah nagtatrabaho na habang ang mga magulang ko naman ay may kainting investment sa mga makiit rin na negosyo. Di naman ka lakihan ito tama lang para ma provide ang needs namin Kuya. Tapos nag-aaral ako sa isang prestigious school din. Scholar ako dun. Yan lang naman masasabi ko sayo kasi wala namang iba sa kwento ko."sagot ko naman."Mukhang masaya nga ang pamilya niyo eh."sagot nito sa akin.

Nagkwentuhan kami buong magdamag hanggang sa nag paalam na akong aalis na ako. "Val, bukas naman. Good night." sabi ko naman sa kanya tumango naman ito at hinatid ako sa labas ng kwarto niya dahil isa lang naman ang building namin ay di na mahirap pa sa akin na tumungo ng kwarto ko.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay agad na akong nag-ayos natulog.

Kinabukasan

Maaga akong nagising at nag-ayos para sa first subject ko ngayon dahil 8 am ang start ng class ko ngayon. Nang matapos na ako ay nakarinig ako ng pagkatok mula sa aking pintuan tumungo naman ako dun at binuksan ito. Bumati agad sa akin si Val. "Good morning, Tanya!" masigla nitong bati sa akin. Ngumiti naman ako kaagad." Good morning rin,mag-aalmusal pa ako dun sa cafeteria." sagot ko sa kanya. " Dun ka nasa room kumain naghanda ako ng breakfast dun. Pagdinner at breakfast time lang naman kasi ako nagluluto paglunch andun na ako sa cafeteria kumakain. "sabi nito sa akin.

Nakarating na kami sa kwarto niya at sa lamesa ay may nakahanda ng pancakes at bacon.

Saka meron na ring mga inumin sa lamesa. Umupo naman kami at nagsimula ng mag-almusal. "Ngayon siguro di natin makakasama ang mga elites dahil itong araw ay meron silang meeting and preparations para sa pag-alis nila sa katapusan ng buwan. "sabi sa akin ni Val. Napahinga naman ako ng malalim at napangiti sa sinabi niya. "Mabuti naman kasi di ko kakayanin na makasama sila." sagot ko sa kanya. "Every month kasi umaalis ang elites. Merong mga specific place silang pinupuntahan. "sabi nito sa akin pero di na ako sumagot pa.

Nang matapos ang almusal namin ay agad kaming tumungo na ng classroom.

Pero nagulat ako dahil kahapon hindi man lang makalingon sa amin ang mga estudyante pero ngayon ay tinitigan na nila kami. Di maganda ang pakiramdam ko sa araw na itong ngayon.

Nakaupo na kami ni Val sa upuan namin. Pero ng makaupo na ako'y biglang may nahulog mula sa ibabaw at ng tingnan ko kung ano nahulog sa akin ay walang iba kundi dugo. Nabigla naman si Val. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil buong katawan ko ay nakabalot sa dugo. Agad may lumapit na estudyante at may binigay na sulat ng buksan ko ang sulat ay may nakalagay na "Enjoy the pig's blood, you bloody Achristos." -Elites.

Agad kong pinunit ang sulat sa sobrang inis. "T-Tanya......" tanging lumabas sa bibig ni Val ng makita niya ang sitwasyon ko. "Asan sila nagmemeeting??" tanong ko kay Val. Hindi niya pa sana sasabihin sa akin pero nakita niyang seryoso ako." A-Ang building n-na m-may rosas at dugo na simbolo a-ay ang b-building n-ng m-mga e-elites s-saka s-a 4-4th floor a-ang conference r-room nila. "nauutal na sagot nito sa akin. Agad akong tumayo at nakita ko naman ang mga ngisi ng kaklase namin at ang guro namin na di man lang makatingin sa mata ko.

"S-Samahan k-kita." sabi ni Val sa akin. "Huwag na." sagot ko saka agad na lumabas ng classroom.

Sa sobrang inis ko di ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Habang lumalakad ako sa hallway ay kitang-kita ko ang mga tingin ng estudyante.

Pero kinabahan ako kasi ang mga tingin nila sa akin ay parang isang maling galaw ko lang ay pwede na nila akong patayin.

Pero di ko ito pinansin at binilisan ang lakad ko patungo sa building ng mga Elites.

Nang makarating ako run ay agad akong tumakbo sa hagdan at binilisan ang takbo ko dahil baka habulin ako ng mga staffs na andito.

Nang makarating na ako sa 4th gloor ay agad bumungad sa akin ang conference room.
Tumulo pa rin ang dugo sa sahig at ramdam ko ang lagkit nito sa katawan ko.

Half blood QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon