HBQ 17

49 2 1
                                    

Nagsimula na ang pagtitipon nila Val. Saka ako naman ay andito sa loob ng kwarto niya hindi ako maaring lumabas.

Tanaw ko mula sa bintana ni Val ang mdugong kulay ng buwan. Nagsisimula na nga siguro ang kanilang pagtitipon dahil rinig ko rin ang mga ungol ng lobo.

Nanlamig naman ako bigla sa pagkakaalam na nagtitipon sila ngayon para saluhan ang mga namatay ng tao.

"Kainis, nilalamig ako." inis na sabi ko saka umupo sa upuan at nagbasa na lang ng libro pampalipas oras.

Ilang oras na rin ang lumipas at nakarinig na ako ng mva katok mula sa pintuan. Ayaw ko pa sana buksan dahil baka mga bampira ito o lobo.

Pero narinig ko ang boses ni Val. Kaya binuksan ko ito at siya nga ang bumungad sa akin. "Magsisimula na ang kompetisyon." sabi nito sa akin tumango naman ako bilang sagot.

Lumabas na kami ng kwarto ni Val at ilang beses niya akong pinagsasabihan na mag-ingat. "Val..... Kumalma ka, magiging ayos lang ako. Tiwala lang, okay?" sabi ko naman sa kanya." P-Pero kasi..... Hays, Oo na may tiwala naman ako sa iyo eh. Dapat manalo ka, Tanya. "sabi nito sa akin.

Nakarating na nga kami sa venue ng kompetisyon at maraming mga kalahok dun na talagang handa.

"We don't want waste our time, Right?!!!!" masiglang sigaw ng host sa amin. Nagsigawan rin naman ang lahat sa saya.

" But..... Before that I would like to say some few rules." sabi nito.

"First, You are allowed to use any weapons except ancient weapons, which is we cannot even touch or use unless you are strong enough like the royalties. "sabi nito sa amin.

Nagtaka naman ako, so ang nga royalties pala ang may kakayahan na makagamit ng mga ancient weapons.

"Ang mga royalties kasi ay merong mga purong dugo o mas malaki ang porsyento ng dugo ng mga demon. Kami na mga Crux ay nasa nobles lang kami nangangalawa sa royalties. "paliwanag sa akin ni Val. Lumingon naman ako sa kanya at seryoso itong nakatitig sa stage.

" Pero sa ngayong henerasyon wala ng mga royalties parang mga legendary na lang sila simula nung nagkaroon ng mga Dark sider's dito sa Dawn World. "paliwanag nito ulit sa akin." Dark sider's??? "tanong ko naman sa kanya. "Ang mga Dark Sider's ay may mga traydor dito sa Dawn World nakikipag tulungan sila sa mga Slayers." sagot nito sa akin." Naubos lahat ng mga Royalties." sabi nito ulit sa akin.

Di na ako sumagot pa pero mahalaga rin ito para sa amin kahit papaano ay nay kaunti akong kaalaman sa Dawn World.

"Second rule, once you tried ro escape and proceed to next category you'll be sentence to death. "sabi ulit ng host.

" Ang for the last rule, say the Demon's oath before you go to the next category. "sabi nito sa amin.

" A-Ano ang demon's oath???" tanong ko naman kay Val.

" Morningstar, die with his honor, hold his glory, I am his child, curse me, O my Demon, I would solemnly offer my wings to you for a life with you. Cut my wings bring me to the Dawn World where my life lies with it. Yan ang oath. "sabi nito ulit sa akin.

Inulit-ulit ko naman ito sa isipan ko.

"And to begin this, as kynigísoume." sabi nito. Agad naman nagsipila ang lahat at ako naman ay binigay ko kay Val ang aking kwentas.

Saka pumila na rin ramdam ko ang kaba dahil ng hubarin ko ang kwentas ko lahat ng mga kalahok ay agad na tumingin sa akin.

Mga tingin na handa akong patayin.

"Be safe." sabi nito sa akin saka umalis din si Val.

Explanation:

Valentina Crux can handle the ancient weapons  but she is not a royalty she can't also used the ancient weapons for herself that is the difference of her power to a royalty, her power is to neutralize anything, she can even neutralize a vampire's or a werewolf's power.

Meron silang nilalagay na marka sa mga sasali sa kompetisyon at ito ay ang simbolo ng mga Elites na meron na rin ako dahil sa nilagyan na ako ni Yvaine.

Dumiretso na lang ako sa loob ng ipakita ko ang simbolo sa lumalagay ng marka.

Pumasok kami kaagad sa isang kwarto,ito ang Bloody Feast. Ang unang pagsubok,hindi mo mararamdaman ang presensya ng mga traps rito para itong normal na kwarto. Malawak rin ito at at madilim.

Kumpleto na kaming lahat merong 256 na kalahok pero iba't-ibang room kami naka-assign. Sa isang kwarto merong 50 na tao rito.

Nagsimula na nga ang kompetisyon ng tumunog ang kampana.

"Na eísai gennaíos." sabi ng host saka nagsilabasan na ang mga unang traps.

Sa ilang araw ko na ensayo kasama si Sir Wolfe mas lalong nasanay ako pagdating sa reflexes ko mas lalo itong bumilis.

Agad kong binilisan ang galaw ko ng may mga pana na paparating sa akin mabilis ko silang naiwasan at agad na dumiretso sa sunod na row. Dapat makarating kami sa ulihan ng kwarto merong apat na traps rito.

Ang sumunod naman ay mga spikes mula sa ibabaw at sa sahig  dapat mabilis kang tumakbo rito.

Pero ang mga pana ay nagsimula namang tumira doon sa likuran ko at meron akong ibang mga pana na na hindi na iwasan agad.

At marami akong natamo na mga maliliit na sugat sa aking braso at paa.

Agad akong tumakbo ng makita kong puma ibabaw ang mga spikes at nawala ang sa sahig.

Ako ang nahuhuli sa amin dahil nga hindi normal na mga tao ang kasama ko rito mas mabilis ang kanilang pagkilos kumpara sa akin.

Nang makatungo ako sa ikatatlong trap na ay kinabahan ako. Dahil ang trap na ito ang palagi akong nagkakamali.
Ito ay ang unseen patterns trap tawag nila. Dapat ma foresee mo ang mga patterns na meron sa bawat tiles pag hindi mo ito nagawa ay maari kang mamatay dahil lahat ng mga sanda ay lilipad patungo sa direksyon mo at hindi ka makakaalis rito.

I'm fucked up.

Half blood QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon