wandot

1 0 0
                                    

"Mauuna na ako sayo, Architect." sabi ni Kea, kasama ko sa office at blockmate ko noon sa college, habang nililigpit ang gamit nya. Napabaling naman ako sa kanya saka sa wallclock na nasa likuran nya. It's already 10 pm at di pa ako tapos sa ginagawa ko.





"Sige. Ingat." sabi ko na lang saka binalik na uli ang atensyon ko sa ginagawa ko. Been so stress these past weeks kasi marami akong mga designs na kailangan gawin at ipasa dahil naka-assign ang team namin sa bagong gagawing project ng kumpanya. Tangna talaga. Im the head of our team kaya doble ang stress at trabaho sakin dahil ako ang titingin sa designs ng mga kasama ko bago ko isubmit sa boss namin for some comments and well, improvement, if it's not good for him.






Kami na lang dalawa ni Kea ang natira sa team ko kasi kanina pa natapos ang iba sa ginagawa nila and now, ako na lang ang natira. Masakit na ang ulo at mata ko dahil sa ginagawa dinagdagan pa ng antok.






11pm ng matapos ko ang ginagawa ko. Kinompile ko iyong gawa ko at gawa ng kasama ko sa isang clearbook para bukas. Bukas na din kasi ang deadline nito kaya napilitan akong mag overtime sa work. Sana din naman lagyan din nila ng over ang sweldo ko tsk super effort na ako dito ah.







Nagta-type ako sa phone ko patungo sa elevator. Magb-book ako ng grab. Jeep sana yun kaso mukhang malabong meron pa sa ganitong oras. Meron siguro pero hindi na umiikot malapit sa Corrales. Hirap na hirap ako sa pagt-type sa phone ko dahil sa dami ng dala kong blueprints at mga papel na may mga draft.






"Shit. Ano ba!" Tangina naman! Nalaglag lahat ng dala ko dahil sa biglang pagkabunggo nya sakin. Nagkalat tuloy ang mga papel sa sahig! Nanlaki naman bigla ang mata ko nang tumingin ako sa bumunggo sakin saka napa-atras.






There he is, wearing a grey longsleeve polo na nakatupi hanggang sa siko nya, with his coat on his right hand, black slacks and yeah? A pair of Balenciaga shoes. He just looked at me. With those cold emotionless eyes. Napatingin naman sya sa nalaglag na mga papel at sakin.






Walang ano-ano ay pumasok ito sa elevator but bago pa sya makapasok, hinila ko sya pabalik. Aba! Napakawalanghiya naman ata nyang iwanan ako dito pagkatapos nya akong bungguin?! Di porket boss ko sya ay gaganunin na nya ako aba! Nakakagigil.






"Yeah. Call you later." he said saka tinapos ang tawag and slid his phone inside his pocket. "What?" he said cooly habang nakataas ang isang kilay. Nabakla na ba to? Attitude aba! Sya pa may kasalanan.






"Tignan mo yan!" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang mga papel na nagkalat sa sahig.






"What's with that?" potang—






"Alam mo punyeta ka! Ikaw may kasalanan nyan ha! Nagmamadali ako saka mo ko binubunggo-bunggo dyan! Tapos di mo man lang ako tutulungan dito?!" sigaw ko sa kanya dahil sa galit at inis. Bakit ako nagagalit? Aba ewan! Inis lang dapat yun eh.






"So, you want me to be a gentleman?" sabi ulit nito saka tinaasan uli ako ng kilay. Bakla!







"Hindi bobo! Sana man lang mag-sorry ka!" sabi ko sa kanya. Di pa rin talaga sya nagbabago.







"Why the fuck would I do that? Di ko naman kasalanan yun ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo." kalmado nyang sabi. Ah so kasalanan ko pa sis? Aba! Magsasalita na sana ako ng bigla uli syang nagsalita, "Look, Ms. Villasco, I don't have time for this, so if you'll excuse me." he said saka pumasok sa elevator at may pinindot dun. Pero bago pa sumara ang elevator,








"IKAW LANG YUNG EX KONG PUNYETA!" sigaw ko saka pinakyuhan sya na alam kong nakita nya dahil bago pa ito tuluyang sumara, nakita ko na nagulat sya.







Ilang minuto pa akong nakatingin sa nakasarang pinto ng elevator puking ina. Di na ako mapakali dahil sa nangyari.  Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang paghabol sa kanya at himingi ng tawad o pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. Punyeta! Napasabunot naman ako sa sarili ko saka napaupo na lang sa sahig kasama ng mga nagkalat kong papers at drafts.

Somewhere in Corrales (Cadeo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon