"Class dismissed." pagkasabi nun ng instructor namin, dali-dali kong niligpit ang gamit ko sa bag ko at nag-ayos ng sarili.
"Tala! Ano? Dekal kami. G ka?" sabi ng blockmate kong si Kea. Agad akong umiling sa kanya kasi may lakad din ako. It's Friday, gala day! Syempre kahit busy na dahil 3rd year na kami, may time din kaming gumala no!
"Next time, Kea. May gala din kami eh." I said saka ngumiti sa kanya.
"Okay. Next time ha!" she said saka bumeso sa'kin bago umalis kasama ang mga kaibigan nya.
Lumabas ako sa classroom at dali-daling bumaba. Nasa lobby sa Main South lang sina Ann na naghihintay sakin. Dumaan muna ako sa library para hanapin ang isa ko pang kaibigan, si Uno.
Hindi na ako nag logbook papasok sa library dahil mabilis lang naman ako. Susunduin ko lang ang punyetang si Uno. Tinext ko sya kanina na sa labas na lang kami magkita ng lib kaso sabi nya puntahan ko na lang daw sya. Napaka-arte!
Ngumingiti ako sa mga kakilala kong nadadaanan ko. It's still 5pm kaya marami pang studyante na narito. Early ang dismissal ko every Friday. 3 classes lang meron ako. Hinanap ko si Uno sa pinakadulo ng lib, malapit sa bintana. It's his favorite place, he said dahil nakakarelax daw ang hangin. As if I know, gusto nya lang naman pumwesto doon dahil kita ang bridge, kumokonekta ito sa Main South at PHINMA Hall kung saan dumadaan ang SHS at nililipad ng hangin ang palda nila! Manyak talaga!
Nung makita nya ako, kumaway ito sakin. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanila. He's with his classmates.
"Hi, Architect!" bati nito sakin. Umirap naman ako.
"Busy natin, Engineer ah?" I said saka tumawa ng mahina dahil sa ginagawa nya. Nag-gugupit lang naman sya ng kung ano-ano habang ang mga kasama nya ay busy sa pag-s-solve ng kung ano.
"Oo nga eh. Kaya pwede ba? Tumahimik ka? Focus ako sa pag-gugupit dito." sabi nya saka gumupit uli.
"Baliw ka na, bro." sabi ni King, classmate nya na kakilala ko na din dahil sinasama nya minsan sa gala naming mag-t-tropa.
"Hi, Tala." pansin ni Kurt sakin saka inayos ang salamin nya. Tangina iba talaga ang dating ng lalaking nakasalamin, ano?
"Hello, brilliant." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin saka nagsususulat uli.
"Uno, kung tumulong ka kaya?" suggest ko sa kanya. Sabi kasi nya eh hintayin na lang daw naming matapos ang assignment nila sa Calculus. Potangina pano matatapos yun e di naman sya tumutulong! Kung sa ML pa, pabuhat lang sya.
"Kaya na nila yan. Binuhat ko naman sila kanina sa ML eh." sabi lang nya saka bumalik uli sa ginagawa nya, wow gumagawa na sya ngayon ng bangkang papel! Mag-E-Engineer ba to o gagaya kay Noah?!
30 minutes had past at finally sinabi na ni Kurt ang word na, "Done." Malaki naman ang ngiti ni Uno dahil natapos na din.
"Kapagod." reklamo nya. Sinabunutan ko naman sya dahil sa sinabi nya.
"Aray, ano ba!" he said saka inayos ang buhok nya. Napailing na lang si King sa amin.
"Wala kang karapatang mag-reklamo kasi wala ka namang ginawa! Nag-ala Noah ka lang naman dyan!" sabi ko saka tinuro ang tatlong bangkang papel na ginawa nya at nilagyan nya ng mga ginupit nyang papel sa loob. Umirap lang ito sa akin.
Wala na ding klase sina Uno kaya sabay na kami bumaba patungo sa lobby. Kurt and King go to the Archi and Engineering Department para ipasa ang assignment nila na supposedly, kanina pa 3pm ipapasa pero inextend daw ang deadline to 6pm kaya pwede pa.
"Ang tagal mo namang nakababa sa langit bituin ka!" salubong ni Chloe sakin. Umirap na lang ako sa kanya. Nakipag-apir naman si Uno sa kanila. Nagpapa-cute para di sya madamay. Aba! Sya naman ang may kasalanan nito kaya natagalan kami! Sabi nya kaya nya ako pinapunta sa lib para di lang sa kanya magalit sina Ann pag matagal syang makababa ampucha.
![](https://img.wattpad.com/cover/229888006-288-k540231.jpg)