Medicine 9

9 1 0
                                    

Tula Para Saaking Ina

Noong ako'y bata
Umiyak ka
Boses ay garalgal
Sakit sa tenga ang mga sigaw

Noong ako'y bata
Umiyak ka
Naroon ako para ika'y tabihan
Naroon ako hanggang tumahan

Noong ako'y bata
Umiyak ka
Nambabae siya
Iiwanan ka niya

Noong ako'y bata
Sinubukan mong mawala
Ako'y bata pa
Kakayanin bang wala ka?

Noong ako'y bata pa
Ang galit ay nanunuot na
Ako'y natulala, nasaktan
Sinubukan ring sa mundo'y mamaalam

Sinubok kong saloobi'y isabi
Pero sagot mo'y ako lamang ay nag-iinarte
Ina, ako'y tao lang rin naman
Mayroong puso't damdami'y nasasaktan

Ina, nais kong mag-kwento
Noon, ako'y inabuso
Sinong aking pag-sasabihan
Kung maging ika'y hindi ako pinakikinggan.

Ina, nais kong magkwento
Nawalan ng kapatid, nasaktan rin ako
Sinong makikinig?
Kaninong tenga ang boses ko'y dinig?

Ina, nais kong mag-kwento
Sa paulit-ulit na pag-alis ay pagod na ako
Sa pag-iyak ay pagod na ang mga mata ko
Sa pagiging buhay ay wala na akong lakas
Ina, kailan ko ba mararating ang wakas?

Ina, nais kong mag-kwento
Sa tamang pag-iisip ay narito pa rin ba ako?
Ina, ako'y walang maramdaman
Tulungan mo ako't wala na akong pakiramdam.

Ina, nais kong mag-kwento
Nawalan ng kaibigan
Ako'y labis na nag-durugo
Maaari ka bang sandalan?

Ina, nais kong mag-kwento
Halaga'y kailan makikita mo?
Pagod na po ako
Pakiusap, sa kalungkutan ako'y iahon mo

Ina, anong saiyo'y mag-papasaya
Ina, ginagalingan ko para ako'y iyo nang makita
Ina, noong ako'y iyong kailangan, ako'y naroon.
Ina... ako'y pagod na

Ina, sinong makikinig saakin?
Sinong makikinig saaking mga hinaing?
Sinong magpapatahan sa tumutulong mga luha?
Ina, nasaan ka na?

Ang tulang ito ay hindi para gawin kang masama
Gusto lamang iyong makita ang mga dugong walang ampat sa pag-tulo
Ina, ako po'y pagod na
Ina... ako ba'y matutulungan mo pa?

-----------
:>


Catastrophes' MedicineWhere stories live. Discover now