Prologue
Nagkalat na naman ang mga papel, ballpen at lata ng alak sa sahig ng kwarto ko. Iyong mga papel na pilit kong sinusulatan ng mga salita upang makabuo ako ng kanta na hinihingi ng management para sa ilalabas nilang bagong album ko. I don't even have an idea on how will I start this freaking love song! Saan naman ako kukuha ng inspiration para makasulat pa? Sa boyfriend ko?
Magsulat at magcompose na nga lang ng bagong kanta ay nauubusan na ko ng oras, magboyfriend pa kaya? Sus.
Sa pamilya ko? Sino ba sila? May balak pa ba silang magpakita sakin? Sa bahay ampunan na ko lumaki at nagka-isip, miski isa sa mga madre doon ay walang nakakaalam kung saang lupalop ako nanggaling.
Narinig kong nagvibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesita habang nagtitipa ako sa hawak kong gitara. Manager Ace's name flashed on the screen. She kept on calling me since the first day of this week dahil hindi man lang daw ako umaattend ng kahit anong meeting na dapat ay nandoon ako. Nakakaasar na! Pagod na pagod na ko sa management na pinasukan ko! Sa totoo lang ayoko na talagang sagutin ang tawag nya kung hindi lang sa takot kong maputol ang kontrata ko bilang isa sa mga artist ng Star Records.
"Bakit ba napakatagal mong sagutin, Gracen?!" She yelled at me as soon as I tap the answer button.
I already know she will be like this that's why I'm so annoyed everytime I saw her name on my phone screen.
"Sorry, I was just trying to compose some songs so that I can atleast pass a song to the management, Ace." Sinabi ko na lang para humupa ang inis sa sistema nya.
"Gracen, itigil mo na yan." Naibaba kong bigla ang hawak kong ballpen. "Stop writing songs because the management will not ever accept any works from you from now on. I'm sorry, Gracen."
Biglang parang ayokong i-proseso ang sinabi ng manager ko. Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya? Tigilan ko na ang pagsulat ng kanta dahil tanggal na ko sa Star Records? Hindi. Imposible naman ata yon.
"Ace... A-anong ibig mong sabihin? Anong itigil ko na?" I take a deep breath so that I can atleast calm and stop myself from shouting.
"It's been 2 months, Gracen, since the Star Records gave that project to you. And up until now, you don't even have something good to show them. Pinutol na nila ang kontrata mo dahil sinasabi nilang wala ka naman na ring magagawa. I swear to God! Pinigilan ko sila, Gracen! Pinigil—" I immediately cut her off.
"Kung pinigilan mo e bakit ganon?! Alam naman nilang patung-patong 'tong lintik kong problema tapos ibabagsak nila ko ng ganyan? Tangina naman, e... pagod lang ako, Ace pero sana nagtiwala silang matatapos ko 'to." I felt my tears slowly rolled into my cheeks. Halo-halong pagod, lungkot at pagkadismaya ang nararamdaman ko ngayon.
Pangarap ko yon, e! Alam nilang lahat yon. I'm an open book to them dahil sila itong tinuturing kong pamilya tapos gaganituhin nila ko? Hindi ba pwedeng mapagod? Hindi pwedeng magpahinga saglit?
"K-kakausapin ko ulit sila, Gracen. 'Wag kang mag-alala, I will try again to convince them for another chance. Take a rest and please, don't you ever forget to take your anti-depressant. I will help you, Gracen, I promise." Then, she ended the call.

BINABASA MO ANG
Cupid by Accident
FantasyGracen Delfin, a music artist, who committed suicide for having loads of problems but ended up being a cupid for some problematic couples. On the other hand, Matteo Carson will be her companion in this journey. ---- josaangelil (2020)