Chapter 1
Napatingin ulit ako sa salamin, paulit-ulit at pabalik-balik kong tiningnan yung reflection ko. Nasa ibang katawan nga ko! Ano bang nangyari at napunta ko dito? Panaginip ba 'to? Tinry kong sampalin ang magkabilang pisngi ko. Leche! Nasaktan lang ako, hindi naman ako nagising!
Lumabas ako ng clinic na yon na gulat na gulat pa rin. Clinic lang pala yon, akala ko ospital. Medyo tanga ko sa part na yon, ah. Dahil sabi nung nurse na pumunta ko don sa Sir Abuevo na teacher daw nitong katawan na gamit ko, syempre pupunta ko. Malay ko ba kung mabait tong highschool student na 'to.
Teka, nasaan nga ba yung teacher na yon? Saan ko pupuntahan yon? Napahampas ako sa noo ko dahil sa katangahan. Hindi ko nga pala alam kung nasaan ako at bakit ako nasa katawan ng babaeng 'to. So, paano ko makakapunta sa teacher nya?
"Hi! May I know where is the faculty room? I have to talk to Sir Abuevo." Nagtanong na ko sa lalaking estudyanteng nakasalubong ko dahil ayoko namang maligaw dito sa paghahanap.
Tiningnan ako ng lalaki na parang nagpapatawa ako. Aba! Seryoso ako ditong nagtatanong, bakit bibigyan nya ko ng tingin na ganyan?!
"Hala ka dyan, Camille! Nahilo ka lang naman, diba? Kala mo naman nagka amnesia ka dyan!" Natatawang sabi nito sakin. Nawawala pa ang mata nito dahil sa pagtawa.
"Hoy! Sagutin mo na lang at nagmamadali akong bata ka." Nagtitimpi lang ako dahil hindi alam ng batang 'to kung anong sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung paano akong makakabalik sa katawan ko at kailangang alamin ko na agad yon.
Parang nagulat ito dahil hindi agad sya nakapagsalita. Harsh ba ko? Hindi naman, ah. Baka mamaya naoffend 'to, e. Kaibigan pa naman ata ng Camille na 'to. Patay.
He laughed nervously maybe out of embarrassment, "Ah, Camille doon." Tinuro nya iyong room na nasa dulo nitong hallway. "Sige, una na ko, Camille. Badtrip ka ata." Napapakamot sa batok syang umalis kaya dumiretso na lang ako do'n sa room na tinuro nya.
Nilibot ko ang tingin sa faculty room, nagbabakasakaling makikita ako nung Sir Abuevo dahil hindi ko naman sya kilala. Nakita kong may isang mid-thirties na lalaking kumakaway sakin at sumesenyas na lumapit ako. Sya na siguro yung teacher na tinutukoy nung nurse kanina.
"Miss Camille Celeste, as your adviser, I want to know what's going on with you. You've been absent-minded these past few days." Nakakunot lang ang noo ko habang nakikinig sa kanya. I need informations.
"May problema ba? Graduating ka and I'm worried because you seems to be pre-occupied during discussions sabi ng mga teachers nyo. Stress ka ba? We can talk about it, parang anak ko na rin naman kayo." Ano? May problema 'tong may-ari ng katawan ko? We? Baka lutang lang sa klase? Ganon naman karamihan sa mga kabataan ngayon.
Napatingin ako kay Sir Abuevo na naghihintay ng sagot mula sakin. Hala, hindi kita masasagot, mister. Miski sarili ko nga di ko kilala, lalong-lalo ng hindi ko alam kung bakit nandito ako. Anong isasagot ko dito? Bahala na nga.

BINABASA MO ANG
Cupid by Accident
FantasiGracen Delfin, a music artist, who committed suicide for having loads of problems but ended up being a cupid for some problematic couples. On the other hand, Matteo Carson will be her companion in this journey. ---- josaangelil (2020)