"Jackal, saan pinatay si Jose Rizal?" My Teacher asked me during our History class.
Nabitin ang pagkindat ko sa mga babaeng nakasilip mula sa labas sa naging tanong ni Teacher. I was shocked and frozen on my seat.
Looking at my History Teacher with watery eyes, I say, "P-patay na si J-jose Rizal?" Paanong... hindi. Baka nagjo-joke lang 'tong Teacher ko mukha naman siyang joke kaya joke joke joke?
Imposible namang mamatay si Jose Rizal, last time I checked he's still healthy and kicking. Hindi siya mukhang may sakit— unless, he died during his sleep? Oh my god! Binangungot siya! Someone could have slapped him! Ganoon kasi ang ginagawa ni Mommy kay Dada kapag nanaginip ito ng masama!
"Yes, Mr. Crane. Saan binaril si Jose Rizal?"
Halos lumuwa na ang mga mata ko. B-binaril?
Kinuyom ko ang mga kamao ko. Sa lahat ng ayoko ay ang violence. At binaril? Wala naman akong ibang kilalang namamaril kundi ang mga pulis!
"Sinong pulis ang bumaril sakanya?" naiiyak kong tanong. Kung pulis ang may sala, saan na ako ngayon magsusumbong? Sa baranggay? Tama! Isusumbong ko sa Tito kong tanod! Humanda kayo sa aking mga pulis kayo!
Nagtaka ako ng biglang nagtawanan ang mga classmates ko. I pouted, what's so funny? Natutuwa ba sila na ang siyang pulis na pinagkakatiwalaan ng bayan ay ang papatay kay Jose Rizal?
"Nawawala na naman ang turnilyo ni Jackal" sabi ng mga classmates ko.
Anong turnilyo? Ano ako motor na nawawalan ng turnilyo? Lakas din ng tama ng mga kaklase ko. Hindi ko nalang sila pinansin at naiiyak pa ring tumingin kay Teacher.
"Hindi pulis ang bumaril sakanya" sabi ni Teacher.
Napasinghap ako. "Si Baranggay Captain?!" Grabe! Ibang klase na talaga ang mga nasa government officials ngayon!
My Teacher looked at me like he wanted to murder me. Ang mga kaklase ko naman ay nagsitawanan lang. Nakita ko pa si Gideon na umiiling at hinihilot ang sintido samantang nakikitawa rin si Pantaleon at Rodeo.
Ngumuso ako. Mali ba ako? Hindi ba si Baranggay Captain? Pero sino — oh my god.
Umusod ako ng upo papalayo kay Teacher, medyo malapit kasi ako sakanya. Ayon nga sa kasabihan ni Dada, unang titilaok ang manok— sandali, kung ganoon manok si Teacher?
"T-teacher, matalino ka naman at mukha ring mabait... pero paano mo nagawa 'yon? Bakit mo binaril si Jose Rizal?" Huhuhu! Ang guro ang nagsisilbing pangalawang mga magulang pero paano nila nagagawang pumatay?
Kailangan ko ng sabihin sa parents ko na ilipat ako. My History Teacher is a killer— waaaah! Ang sama ng tingin niya sa akin!
Tumayo ako at mabilis nagtago sa likod ni Gideon. Waaah! Kung si Teacher ang bumaril kay Jose Rizal tiyak na babarilin niya rin ako! Ayoko pang mamatay!
"Waaaah! H'wag mo akong barilin Teacher!" nangangatog ang mga tuhod ko. Naiiyak na ako pero ang mga classmates ko tumatawa lang. Hindi ko na masikmura ito.
"Syet! Buti nalang gwapo ka, Jackal!"
Ano naman ang connect nun? Gwapo nga babarilin ka naman ng killer ni Jose Rizal— in second thought. I'm sure I'm going to be a handsome Angel. Hihihi, okay na 'yon! Tapos magkakaroon ako ng pakpak and I'll spread my wings and fly like a butterfly! Hmm, ayain ko kaya si San Pedro mag walwal? Tama! Kyaaah!
![](https://img.wattpad.com/cover/224206518-288-k66812.jpg)
BINABASA MO ANG
Jackal
Fiction généraleJackal Cross Crane's not so important existence and misadventures as a philandering bastard. A serial dater Dad of six gorgeous men from Hunk City.