Simula

33 1 0
                                        


The sun hugged me with its warm light contrasting to the wind that caresses me with its cold air. I fixed my hair blown by the wind before entering the fast food chain so I could finally eat breakfast.

I embraced myself while I wait until it's my next turn in line. I'm already 20 minutes late in my first class and I'm not bothered anymore since Rose just texted me and said the teacher was absent for today. I adjusted my sweater para itago ang pang-itaas na uniporme ko.

I'm currently waiting for my turn in ordering for food. I woke up late and that's the reason why I didn't have the chance to eat my breakfast. Napatingin ako sa paligid. There are a lot of people inside here kaya naman sa pinagsama-sama nilang paguusap ay nagmistula silang mga bubuyog na nag-iingay.

I ordered pancakes and a chocolate drink since I'm not in the mood to eat rice. After I got my order, I found a table with two chairs near the corner. Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi maunahan ng ibang tao. Nagtagumpay naman ako sa gusto ko kaya inilagay ko ang string bag at ilang folder sa tapat na upuan.

Nagsimula akong kumain at sabay na inabala ang sarili sa paggamit ng phone. Tinignan ko saglit ang messenger ko kung may importanteng messages ngunit nang makita ito ay puro group chat lang na naka-mute.

Sinara ko pansamantala at inilapag sa harap ang phone at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Muli ay sinulyapan ang mga hindi pamilyar na mga mukha sa paligid ko. Ang iba ay nakasuot ng kani-kanilang mga uniporme at ID lace, ang iba naman ay mga karaniwang tao na mukhang ditto lang talaga naisipang mag-umagahan.

Bumukas ang phone ko at hindi na nagulat nang makita na naman ang pangalan ni Rose sa screen.

Rossiana: Where are you? Papasok ka ba?

Rossiana: Are you sick? Why are you not answering my texts?

Iyon ang mga na-receive kong texts mula sa kanya. As usual, matanong na naman ito. Wala namang teacher sa first subject, bakit pa ako papasok?

Idinial ko ang numero niya at wala pang ilang segundo ay sinagot niya na ito.

"What?" iyon ang masungit niyang panimula kaya't tinawanan ko agad ito.

"Ang sama naman ng umaga mo," hindi pa rin natatapos ang pagtawa ko sa kanya."Miss mo na ba agad ako?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Hassadah Wenzel, let me remind you if you'll not get here by second subject, you'll be sent in the disciplinary office, again," idiniin niya pa ang huling salita. "One more unexcused absent and you'll do community service and be scolded by the guidance councelor," pangangaral niya pa sa akin.

How I hate my full name but she always use it whenever she wants to lecture me about something.

"Opo, Tita Rossiana Ivory," pagganti ko sa kanya. "T'saka ano ba, papasok naman ako, hindi nga lang sa first sub," I smirked after saying that. "Tropa na rin kami nung guidance councelor, Rose. Malamig naman din do'n kaya okay lang din," paghalkhak ko pa.

"Gusto mo fries? Magte-take out ako," sinabi ko sa kanya at para na rin sa panunuhol.

"Just get here already, Hazel. Mamaya pati second subject wala ka pa rin," she said in a monotone voice.

"Oo na, oo na, nag-breakfast lang ako eh. Ibababa ko na 'to ha. Ngiti-ngiti ha, 'di nakakamatay," pang-aasar ko muli bago ibinaba ang tawag.

Binilisan ko na ang pagkain ko pero hindi dahil sa natatakot akong magkaroon ng dagdag na sanction sa record ko kung hindi ay baka hindi na naman ako pansinin buong maghapon ni Rose.

Inayos ko ang pinagkainan at inalagay ang tray sa ibabaw ng lalagyanan nito. 'Pag tapos ay bumalik ako sa counter upang mag-order ng fries para sa kaibigan ko. Nang makuha ito ay dumerecho ako sa banyo upang ayusin ang sarili. Nakita ko ang repleksyon sa salamin at napansing maputla na naman ang mga labi.

I put concelear to conceal the dark circles under my eyes to make myself look less stressed. Inilabas ko din ang lipstick at kinulayan ang nanunuyo at walang buhay na labi. Ngumiti ako sa salamin bago umalis.

Pagkalabas ko ng establisyimento, tinignan ko ang phone para malaman ang oras at nakitang malapit na ang susunod kong klase. I slapped my forehead dahil hindi ko na naman namalayan ang oras.

Medyo nataranta ako ng makitang halos labing-limang minuto na lang ang natitirang oras. Kung sa normal na paglalakad ay inaabot ako ng sampung minuto dahil sa bagal kong maglakad.

Hindi na ako nagisip pa at sinimulan ko na ang pagtakbo na tinatahak ang daan papuntang eskwelahan.

Habang tumatakbo ay inaalala ko din at inisa-isa kung mayroong dapat na gawin na school works o naiwan sa bahay. Baka hindi ko namalayan ang mga ito at pumasok tapos wala naman pala akong nagawa ni isa. Dahil sa paglipad ng isip kasabay ng mabilis na pagtakbo ay hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang mga nakakasalubong ko.

Muntikan akong mabangga sa isang babaeng naglalakad kasalungat sa dinadaanan ko ngunit mabilis ko itong nailagan. Napalingon ako saglit sa kanya at hindi inaasahang may mabangga na naman akong isa pang tao. At dahil doon ay mumuntikan akong mapaupo sa sahig ngunit napigilan ko pero ang mga gamit ko ay nagkalat sa lapag. Minadali kong pulutin ang mga ito at tinulungan naman ako ng nakabangga sa akin.

Sa pagtayo ko ay hihingi ako ng dispensa sa nabangga ngunit ang tanging nagawa ko ay tumulala at nanatiling nakaestatwa sa kinaroroonan ko.

Naramdaman ko ang bahagyang nagbago ang bilis ng pagtibok ng puso ko, hindi ko mawari kung dahil sa pagmamadali o dahil kinakabahan ako.

"Hassadah," banggit niya sa pangalan ko at tinapatan ang intesidad ng pagtitig ko sa kanya. Napaka-pamilyar ng pakiramdam at lalo akong natakot sa nararamdamang iyon. Dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko ay nanumbalik ang isang nakaraan na pilit ko nang ibinabaon sa limot. 


_____

Hello, we'll finally start ^^


Chasing the Last AuroraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon