Napamulat ako ng mata na hinahabol na naman ang hininga. Sa pagbangon ko, nakita kong nasa loob ako ng kwarto ko.
Panaginip lang ba ang mga nangyari?
Katahimikan na naman ang bumungad sa umaga ko. Walang ni-anino ng kahit na sinong maaring bumisita sa akin.
Inaalala ko ang mga nangyari at ang huling pagkakatanda ko ay nasa roof deck ako na dinadama ang malamig na hangin habang papasikat ang araw ngunit dito sa loob ng kwarto ko ay mataas na ang araw at napakaliwanag na sa labas.
Habang nag-iisip ako sa kung anong nangyari sa akin, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang tagapag-alaga sa akin.
"Oh, gising ka na pala," bungad niya sa akin.
"Paano ako nakarating dito sa kwarto?" tanong ko sa kanya.
Inilapag niya ang pagkain at gamot sa lamesa bago ako hinarap. "Hindi ba dapat ay nagpapaliwanag ka bakit ang tagal mong nawala dito sa kwarto mo?"
Tumikhim lang ako nag-iwas tingin dahil alam kong mali nga ang ginawa ko.
"O, siya, ayos lang," sinabi niya na naiiling. "Magbihis ka na, para naman hindi hospital gown ang suot mo sa birthday mo," dugtong niya pa.
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa cellphone ko para tignan ang petsa ngayon. Totoong nawala sa isip ko ang kaarawan ko ngayon. Parang kahapon lang ay pinagplanuhan naming ito ngunit agad itong nawala sa aking isipan.
"Kumain ka muna ng umagahan, bago natin pag-usapan ang gagawin mo ngayong araw," sinabi niya ng may ngiti sa labi.
Ang kaninang pagkagulumihanan sa mga pangyayari ay napalitan ng pagkasabik at tuwa. Mabilis kong kinain ang nakahanda at ininom ang gamot para sa oras na iyon. Pagkatapos ay naligo't naghanap ng maayos na bestida para sa espesyal na araw ngayon.
I chose a yellow off-shoulder dress partnered with a white doll shoes. Isa iyon sa binigay ng magulang ko noong nanggaling sila sa isang bansa na hindi ko pa napuuntahan. Tinuyo ko ang aking buhok at humarap sa salamin.
Sa pagharap ko, nakita ko ang maputlang imahe ng babae sa salamin. Napabuntong-hininga na lang ako at hinanap ang iilang kolorete upang ilagay sa walang buhay kong mukha. Habang naglalagay ay nagawi ang tingin ko sa aking cellphone na kakatunog lang dahil may mensaheng dumating.
Ibinaba ko muna ang pulbos at lumapit sa kama.
Mom: Happy Birthday, love! Ipinadala ko na ang mga pinapabili mo dyan. I love you.
Habang binabasa iyon ay may kasunod na agad na text message na dumating mula naman sa aking ama.
Dad: I've sent you food there, text me back if you received it. Happy birthday.
Pagkatapos na basahin ay ibinaba kong muli ang cellphone at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mukha at ng aking buhok.
Malapit nang umabot hanggang bewang ang buhok ko. Hindi ko naman ito mapagupitan dahil hindi naman pwedeng umalis dito nang wala akong kasama. Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok bago ko nilagyan ng clip ang gilid upang maging mas presentable ang itsura.
After I fixed myself, I returned to my bed, got my phone to reply to the text messages I received. Nag-iisip ako kung ano ang titipaing mensahe para sa kanilang dalawa. Wala naman akong gusting sabihin kaya naman medyo nahirapan ako. Sa huli ay binigyan ko na lang ng pasasalamat at pangungumusta sa kanilang dalawa.
"Kinumusta ko sila pero wala akong natanggap na ganoon mula sa kanila," mahina kong usal sa sarili ko at napatawa na rin ng mahina dahil kinakausap ko na naman ang sarili.
BINABASA MO ANG
Chasing the Last Aurora
Genç KurguAurora (n.) The dawn in the early morning. Hadassah, a star slowly loosing her light, has spent most of her time in a hospital where she felt like a prisoner in the free world. Her life changed when her condition gets better each day. Now she's livi...