1

136 5 0
                                    


TWO YEARS AGO...

Montagu, Philippines.

"Asias! Asias! Alam kong nandiyan ka! Buksan mo itong pinto at harapin mo ako! Tignan mo kung ano'ng ginawa ng pusa mo sa mga rosas ko! Asias!"

Sumasabay sa pabirit na huling linya ng kanta ni Steve Tyler ang pagtutungayaw na iyon ng dalagang kapitbahay ni Heathe. Umuungol na ibinaon niya sa ilalim ng unan ang ulo niya. Heto na naman sila.

Sa loob ng magta-tatlong-buwan na niyang pananatili dito sa dating bahay ng mag-i-isang taon nang namayapang si Denmark Asias, halos araw-araw siyang pinag-iinitan ng menopausal na yatang kapitbahay niya.

Ang mas malas pa, ito ang punong rason kaya siya naroon sa subdivision na iyon. Nagpapanggap siya bilang pamangkin ni Denmark na siyang pinamanahan nito ng bahay nito. Ngunit ang totoo, siya mismo ang bumili ng naturang bahay mula sa bangkong pinagsanglaan niyon ni Denmark noong nabubuhay pa ito.

Kakatwa pang ka-apelyido ng ina niya ang naturang lalaki bagamat hindi niya ito kaanu-ano. At dahil doon ay naisip ng amo niya sa Cloak na ang pagiging pamangkin na lang ni Denmark Asias ang gamitin niyang identity para ma-establish ang katauhan niya at ang pananatili niya sa subdivision na iyon. Lalo pa at walang tiyak na petsa kung kailan matatapos ang misyon niya doon.

Umuungol na bumangon siya upang harapin ang gising na bangungot niya. Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng damit. Hinatak na lang niya ang kumot at itinali iyon sa baywang niya. Pagka-alis kasi nito ay babalik din ulit siya sa pagtulog niya.

Sasamantalahin niya ang presensya ng isa pang tauhan na ipinadala ng Cloak And Dagger Security Agency na kasalukuyang palihim na nagbabantay dito ngayon mula sa inaakala nitong bakanteng bahay na katapat ng bahay nito. Nitong mga nagdaang linggo kasi ay halos apat na oras lang ang iinatatagal ng tulog niya bawat araw. At dahil din naman dito mismo kaya hindi makumpleto ang walong oras bawat araw na tulog niya, gusto niyang isumpa ang paggambala nito ngayon sa kanya.

"Yeah?" humihikab pang untag niya nang pabiglang hilahin pabukas ang pinto ng bahay niya.

Inaantok na sumandal siya sa dahon ng pinto habang minamasdan ito mula sa bahagya lang niyang maibukang mga mata.

American-style kasi ang bahay na tinutuluyan niya. Walang gate, malawak ang hardin at may wrap-around porch iyon. At kasalukuyang nakatayo sa unang baitang ng hagdan ng naturang porch si Polai 'Miss-I'm-Too-Perfect-Bow-Down-Before-Me' Uarin.

Wala pa yatang alas-siyete ng umaga pero banat na banat na ang buhok nitong nakapusod. Sa likod ng makapal na salamin nito ay nagbabaga sa galit ang mga mata nito. If he was a weaker man, he would probably quake with fear or feel like an ant being studied under a magnifying glass. But since he was not a weak man, he just yawned and blinked sleepily at her outraged stare.

Nakapambahay ito o siguro mas tamang sabihing bersyon nito ng pambahay. Kulay gray na slacks na tila sampung beses pinadaanan ng plantsa kaya ni isang gusot wala, light gray na three-fourths na blouse at gray ding sandals. Mas mukha itong dadalo sa binyag o kaya ay magsisimba kaysa tatambay lang sa loob ng bahay nito buong araw.

CLOAK & DAGGER 4- BETTER THAN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon