4

176 6 2
                                    


Marahil dahil na rin sa karanasan nito habang lumalaki sa poder ng ina nito. She learned to be independent and to think for herself before she was even in her teens.

Ayon kasi mismo sa ama nito, kadalasan daw ay isip-bata at hindi nag-iisip ng mabuti bago kumilos ang ina nito. Kaya naman kinailangan tuloy ni Polai na bilisan ang paglaki at pag-mature nang sa ganoon kahit paano ay may isa namang responsableng mag-isip sa pagitan nito at ng ina nito.

Malas lang at tila nasobrahan naman sa pagiging responsable at matured ang dalaga. Kaya tuloy kahit wala pa itong treinta ay para nang doble sa edad nito ito kung

kumilos.

"Wala ka ba talaga ni katiting na kahihiyan sa katawan?!" lalong tumaas ang decibel ng boses nito. Pero hindi naman agad iniiwas ang pagkakatitig sa dibdib niya.

"Only on Sundays and perhaps a bit on Saturdays, love. Is that all? Pwede na ba akong bumalik sa pagtulog?" buong kainosentehang tugon niya.

Bumukas-sara naman ang mga labi nito. Tila

gustong-gusto na siyang paliguan ng malulutong na mura. Ngunit dahil atas ng likas na kagandahang asal nito, hindi nito maggawa. Isa iyon sa mga katangian nitong labis niyang ikinaka-aliw. Kahit gaano na kasi ito kainis o kairitado sa kanya, hindi niya ito nariringgan ng mura. She screams, shouts and even stomped her foot in fury one time but she does not swear.

Nang hindi ito sumagot ay nagkibit-balikat siya.

"Okay, kung iyan lang, bye!" aniya saka malakas na isinara ang pinto.

Pigil na pigil mapahalakhak na nagsimula siyang bumilang. Nasa lima pa lang siya ay sunod-sunod na malalakas na katok na ulit ang bumayo sa pinto niya. Ngunit eksaktong pagbukas niya ng pinto ay hinayaan niyang aksidente kunong bumagsak sa sahig ang kumot na ipinangtatakip niya sa ibabang kalahati ng baywang.

"Oopss!" sambit niya.

Napatiling dagli naman itong tumalikod at kumaripas ng takbo pabalik sa bahay nito. Daig pa nito ang nakakita ng nagsasalitang alien. Halos bumagsak siya sa sahig at magpagulong-gulong doon sa katatawa matapos isara ang pinto. Sana may camera siya para nakunan niya ang katawa-tawang reaksyon ng mukha nito.

Naka-briefs naman siya. Beige nga lang ang kulay kaya marahil inisip nitong wala siyang suot na pang-ibaba.

"Nawindang ang manang. Damn, Heathe the Great, that's the first time a woman ran away screaming in fright because of you," mangiyak-ngiyak pa rin sa tawang yuko niya sa sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLOAK & DAGGER 4- BETTER THAN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon