3

75 2 0
                                    


Hindi rin naman maaring regular na bodyguard lang mula sa Cloak And Dagger Security Agency nila ang kuning kapalitan niya. Sapagkat hindi lang ordinaryong stalker o ordinaryong kriminal ang mga taong posibleng manakit o dumukot sa dalaga. Wala man itong alam sa nangyayari, parte pa rin ito ng isang malaking kasong hawak ng Cloak. Kaya top priority ang kaligtasan nito.

But he was truly slowly dying of boredom from this particular assignment. Following and secretly protecting Polai Uarin could probably be listed as one of the most boring jobs in the world. But it was a task his agency had to do to ensure her father's hundred percent help in bringing down and exposing the illegal deeds of the greedy pharmaceutical company the authorities were after.

Ang mga testimonya at papeles kasi na hawak ni Dr. Maximo Uarin ang magpapadali sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa international pharmaceutical company na Littel & Hanson Pharma.

Stockholder din sa naturang kompanya ang retiradong doktor. At hindi sinasadya ang pagkakatuklas nito sa pagpaslang na ginawa ng kompanya sa isang buong komunidad sa kabundukan sa Mindanao na ipinalabas ng mga itong gawa ng mga rebelde.

Ngunit ang totoo, ang naturang komunidad ang

pinag-eksperimentuhan ng mga ito sa bagong drugs na nililikha ng mga ito. Sa loob lang ng dalawang linggo, mahigit labinlimang pamilya, isandaan at dalawang katao, bata at matanda, nangamatay dahil sa gamot na ihinalo ng Littel & Hanson Pharma sa bukal na pinagkukunan ng

tubig ng komunidad.

Dr. Uarin found the disk containing all the list of the people involved in the massacre and its cover-up. Hula nito isang nakonsensya ngunit naduwag umaming tao na sangkot sa naturang krimen ang sadyang nag-iwan niyon sa lugar na madaling matatagpuan ng doktor. Hindi agad

nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ang doktor.

Sapagkat hindi nito tiyak kung sinu-sino ang mga dapat nitong pagkatiwalaan. Kaya naman ninais muna nitong paimbestigahan ang natagpuan nitong disk at nilalaman niyon sa isang pribadong ahensya sa labas ng bansa. And since Cloak And Dagger Security Agency had the best reputation around the globe for investigating and security, he picked them.

Ang totoo, sangkot na rin ang Cloak sa naggaganap na imbestigasyon sa mga anomalya sa loob ng Littel & Hanson. Dahil iyon mismo ang misyong inaasikaso ng kapwa Cloak agent niya na si Ira Cassidy. Kaya maswerte talagang sa Cloak And Dagger pinili ng doktor na ipa-imbestiga ang natuklasan nito bago nito iyon isiniwalat sa mga awtoridad. Kung nagkataong ganoon kasi ang ginawa nito, malamang nabulilyaso ang misyon ni Ira at mas malamang ay burado na rin ito sa mundong ibabaw.

Subalit lingid sa pamilya ni Dr. Uarin ang ginagawa nitong pakikipagtulungan sa mga awtoridad. At dahil alam nito na malalaking mga tao ang babanggain nito, batid nitong posibleng manganib ang buhay ng mga kapamilya nito lalong-lalo na ang mga anak nito.

Kaya naman umupa na rin ito ng mga bodyguards sa Cloak And Dagger Security Agency para sa bawat miyembro ng pamilya nito. Ang malas lang niya dahil sa partikular na miyembro ng pamilya nitong si Polai siya na-assign.

"Do you know---" nabitin sa ere ang anumang sasabihin ni Polai nang bumaba ang tingin nito sa hubad barong katawan niya.

Namilog ang kulay tsokolateng mga mata nito na tila ba noon pa lang nakakita ng dibdib ng lalaki. O marahil ngayon pa lang ito nakakita ng ganoon ka-matipunong dibdib ng lalaki. Kunsabagay sa hitsura ng patpating nerd na nobyo nito, posible nga iyon. Pigil mapangising kunwari ay kinunutan niya ito ng noo.

"May kailangan ka ba o balak mo lang titigan buong araw ang katawan ko? Want to take a picture instead? So you could bring it with you wherever you go," aniya sa kunway pormal na tono. Bagamat hindi niya itinago ang kapilyuhan at kaaliwan sa mga mata niya.

Dahil doon ay lalong nanlaki ang mga mata nito. Pero tila nakahuma na dahil muli itong nameywang at pinaningkitan siya ng mga mata. Hindi ito matangkad na babae. Nasa five-two nga lang ang height nito. Pero dahil sa lakas ng personalidad nito o sa opinyon niya ay lakas ng bilib nito sa sarili, nagmumukha tuloy itong matangkad na babae kahit hindi naman. Singliit lang ito ng kuting pero kung umasta ay para itong dambuhalang tigre.

CLOAK & DAGGER 4- BETTER THAN METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon