You are here, So near

5 0 0
                                    

Chapter 4

Ilang araw na ang nakalipas mula noong pumunta kami sa concert ng cravity, pero walang araw na lumilipas na hindi ko iniisip si allen

"Ano ba kasing meron sayo"

"MISS ASUNCION NAKIKINIG KA BA?" Galit na galit na si maam Yuna, teacher ko sa filipino

Gulat akong napatingin sa kanya "AY ANO BA KASING MERON SAYO"

"Miss asuncion ano bang nangyayari sayo? Kung ano ano pinagsasabi mo dyan" takang taka na tanong ni maam yuna "hindi ka naman ganyan dati, kung ipagpapatuloy mo yang mga ganyang gawain baka bigla na lang mawala sayo yung honor mo" sunod sunod na sabi nya

"Sorry po maam" nakakahiya bakit ba kase ako nagkakaganito "maam excuse po magc-cr lang po ako" hiyang hiya ako habang palabas ng classroom namin. Minsan lang kasi ako mapagalitan ng mga teacher namin nakakahiya talaga lalo na top1 pa naman ako sa room namin

Bakit ba kase napakalayo ng cr sa room namin paano na lang kung ihing ihi na yung mga estudyante dito? Lalabhan ba nila yung palda kung sakaling maihi na lang bigla at di na makaabot pa sa cr?

"Kainis nama-" naputol ang sasabihin ko ng may mabunggo ako

Ang puti nya, brown ang buhok nya teka? Bawal ang may kulay na buhok dito. Pansin kong hindi sya nakauniform siguro hindi sya dito nag aaral

Ang bango nya amoy na amoy ang pabango nya, nakakainlove ang bango

Sino ba to? Agad kong tinignan ang muka nya teka kilala ko to, sino nga sya ulit?

zy isipin mo kung sino sya zyyy

Allen? Sya nga pero pansin kong di umaalis ang tingin nya saakin. Titig na titig sya at parang ang saya nya sa nakikita nya

"Hello? Huy" kumakaway kaway pa ko sa kanya "ok ka lang ba? Huy hindi ako multo" alam kong koreano to pero wala akong gana mag english ngayon dahil nahihiya parin ako sa nangyari sa room kanina

Hindi parin sya sumasagot nakakapagtaka bakit ganyan sya tumingin?

Unti unti akong lumalayo sa kanya malay ko ba kung anong meron sa kanya kahit na sikat sila sa korea di ko parin sila kilala ng lubusan mamaya maholdap pako bigla

NO WAY!

"Z-zy? Ikaw na ba yan?" dali dali nya akong nilapitan
"Zy ikaw nga" muli nyang sambit ng malapitan nya na ako "matagal na kitang hinahanap, bakit ngayon ka lang? san ba kayo nagpunta bakit hindi na kayo bumalik noong mga bata pa tayo? sabi mo magbabakasyon lang kayo pero bakit di na kayo bumalik? " magkakasunod nyang tanong sakin, pero teka? anong sinasabi nya? bakit nya ako hinahanap? hindi ako bumalik noong bata? Ha?

~

*flashback

"Lelen may sasabihin ako sayo" masigla kong tawag kay lelen

"Ha? Anong sasabihin mo bakit napakasaya mo naman " nagtatakang tanong ni lelen

Si lelen ay kalaro kong lalaki napagkakamalan nga kaming magkapatid kase lagi kaming magkasama pero hindi ko sya kapatid dahil crush ko sya hehehehe

"Pupunta kaming probinsya lelen " pagmamayabang ko kay lelen. Hindi ko alam pero biglang nalungkot si lelen nung sinabi ko yon

"Sige ingat kayo zy, basta babalik kayo ha? " Ha? Babalik naman kami bakit naman hindi ay ewan ko ba dyan kay lelen parang tanga

"Sige na lelen aalis na kami bye lelen "

*end of flashback

~

"Lelen? "

You are here, So near ||cravity allen's fanfiction||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon