Chapter 3
Inis na inis parin ako kay mina habang kumakain kami dito sa restaurant pano ba naman bigla bigla na lang sumisigaw at nagwawala pa. Akala ko naman kung ano ng nangyari, akala ko may papatay na sa kanya o kaya may nakita syang multo. Muntik na tuloy kaming di pakainin doon kung hindi lang kami nagmakaawa sa guard
*flashback
Dali dali akong tumakbo papasok sa loob ng marinig ko ang pagsigaw ni mina
"Mina anong nangya-" napahinto ako ng makita ko si mina na nakatayo at parang hindi makagalaw sa kinatatayuan nya. Agad akong tumingin sa lugar kung san nakatingin si mina.
"Hala bakit sila nandito" pabulong kong sabi at nilapitan na lang si mina para makakain na kami "Mina hoy ano ba yang ginagawa mo ha? Para kang nakakita ng multo" pagsasalita ko habang inaalog ang katawan nya
Agad namang nabalik si mina sa katinuan dahil sa ginawa ko "Omg zyyyy NAKIKITA MO BA YUNG CRAVITYYY? NANDYAN SILAAAA!!!" nakakabingin sigaw ni mina
Agad na nagtinginan ang mga tao samin, nakakahiya talaga tong si mina kahit kailan
Pero pansin kong napatingin yung isang member ng cravity saamin lalo na nung sinigaw ni mina ang pangalan ko, yung allen pala yon na parang nagtatakang tumingin, may mali ba?
Siguro naiintindihan nya yung sinabi ni mina dahil sabi kanina na dito daw sya lumaki sa pilipinas kaya marunong sya magtagalog o siguro naiingayan sya kay mina, haynako bahala na nga
"Maam lumabas na po kayo dito sa iba na lang po kayo kumain, nakakagulo po kase kayo sa ibang custumer dito" mahinahong sabi saamin ng guard, nakakahiya naman kase talaga ang ginagawa ni mina pero gutom na gutom na kami sa lahat ng kainan dito kami lagi kumakain dahil masarap mga pagkain dito
Inis na inis akong napatingin kay mina na tumatalon talon parin sa tuwa "mina tumigil ka na nga! Pinagtitinginan na tayo dito nakakahiya" buti na lang timigil na si mina "kuyang guard sorry po, wag nyo na po kami paalisin dito po kase namin gustong kumain eh pasensya na po di na mauulit" pagmamakaawa ko sa guard at sabay irap kay mina
"Sige po maam basta wag na po kayo gagawa ng gulo, nakakahiya po kasi sa mga custumer lalo na dun sa mga yun" turo sa members ng cravity "special po kase sila dito ang alam ko po kakatapos lang ng concert nila doon sa MOA mga koreano po yang mga yan maam" magalang na sabi ni kuyang guard
"Salamat po kuya pasensya na po sa gulo" mahinahon na pagkakasabi ni mina
*end of flashback
"Sorry na zyrie nabigla lang talaga ako di ko ineexpect na sa dami ng kainan malapit dito, dito pa talaga sila kumain" sorry pa rin ng sorry si mina hanggang ngayon "PERO NAKITA MO YON?"Nakakagulat na tanong ni mina
"Ha? Yung ano?" muntik ko ng mabuga yung iniinom kong tubig sa kanya, bakit ba kase napaka OA nitong babae nato
"Diba kanina sininigaw ko yung OMG ZYYYY" panggagaya nya sa sarili nya
"Oh tapos?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Aba! Teka lang kase patapusin mo muna ako" sabi nya habang nakataas ang kilay "ayon na nga, nung sinigaw ko yon biglang napatingin si allen sayo" napansin nya din pala yon "omg zy imagine tinignan ka ng isang allen ma!!!"
"Ano ka ba mina malamang titingin yon kase napakaingay mo tsaka di lang naman sya yung tumigin ha? Halos lahat ng tao dito sa loob pinagtinginan tayo"
"Hindi kase zy" ayan na naman sya "kakaiba yung tingin ni allen non parang nagulat sya sa narinig nya tapos parang hindi makapaniwala" pati si mina nagtataka na din kay allen "hindi naman kayo magkakilala diba?"
"Ha? Hindi ano ka ba, alam mo namang ngayon ko lang sila nakita eh pano ko makikilala yon tsaka hello sikat sila sa korea imposibleng magkakilala kami" ano ba naman tong si mina kung ano ano sinasabi.
Curious din ako kay allen pero imposible talagang mangyari yon dahil wala naman akong kilalang allen
lelen meron
"Oo nga naman, baka ganon lang talaga sya tumingin" walang ganang sabi ni mina
Napatingin ako sa pwesto na kinakainan ng mga member ng cravity, mukang aalis na sila. Di ko maiwasang magtaka bakit panay ang tingin ni allen sa gawi namin?
BINABASA MO ANG
You are here, So near ||cravity allen's fanfiction||
Fanfiction-THIS IS FAN FICTION- Hey luvity's feel free to imagine you are Zyrie and Allen as your kababata I made this story because I love cravity so much and allen is my bias Story or event are all based in my imagination Hope you enjoy this story!! Sarang...