Chapter 19

9.9K 542 317
                                    

ELEVEN ELEVEN | CH19

"Where are you going, First Sean?" Mommy asked me nang makababa ako ng hagdanan. She was seating on the sofa.

"I need to buy something important po," I lied.

"But it's already 8 in the evening," she seriously said.

"Mommy, 18 na po ako. Kaya ko na po. Trust me," I reasoned out.

Mommy was looking compose so I did the same. She eventually sighed. She worriedly looked at me. "Okay. Where's Jaidee? He must go with you."

"Mommy..." Naiinis ko ng sambit.

Hahayaan niya akong lumabas pero kasama ko dapat si Kuya? Pareho lang 'yun. At saka, I'd go out to meet Calvin. Dapat ay mag-isa lang ako. Wala ako dapat kasama.

"Fine. I'm sorry. Be here before 9, okay?" she asked for assurance. Nagsalubong na ang kilay ko dahil sa time limit niya. "Before 10," she changed.

"Okay, 10," I replied at lumabas na ng bahay.

Pagdating ko sa labas ng gate ay ilang minuto lang ay dumating na ang binook kong taxi. Mabilis akong sumakay. Habang bumabyahe ay inihanda ko na ang sarili ko sa magiging usapan namin ngayong gabi ni Calvin. Natatakot ako pero kailangan kong harapin 'to.

Pagkababa ko ng sasakyan ay agad na natanaw ng mga mata ko ang kotse niya na naka-park sa lugar na napag-usapan namin. Lumapit ako roon. Bumaba ang isang bintana nito at sumalubong sa 'kin ang maamong mukha ni Calvin. Makita ko palang siya ay sumisikip na ang dibdib ko. Pakiramdam ko ito na ang huli.

Nakasuot lang siya ng plain black na t-shirt na humapit sa biceps niya. Naka-fix din ang buhok niya pakanan na palaging style niya. Ang linis niya palaging tingnan.

Binuksan niya ang pinto sa may shotgun seat. Sumakay ako roon nang walang imik. Pagpasok ko sa loob ay naamoy ko agad ang bango ng perfume niya. Naalala ko tuloy iyong araw na nakita ko si Margo sa mall na bumibili ng pabango. Siguro ay para talaga 'yon sa kanya.

Parang pinipiga ang puso ko.

Isinuot ko ang seatbelt nang hindi pa rin nagsasalita. Kahit siya ay wala rin yatang balak na magsalita kaya sobrang bigat ng atmosphere sa loob ng sasakyan. Kulang nalang ay pati paghinga namin ay marinig ko na kahit nag-umpisa na siyang patakbuhin ang kotse.

"Have you eaten dinner?" he asked. I silently nodded. I didn't know what to say.

Ilang minuto pa ay itinigil niya ang kotse sa harapan ng isang convenience store. Lalabas na sana siya ng kotse nang tingnan ko siya na nagpatigil sa kanya.

Huminga ako nang malalim. "Ano ba'ng pag-uusapan natin?" Malamig kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob kong tingnan siya sa kanyang mga mata. Pumungay iyon nang makita niya ang malungkot kong mukha. "Kung may sasabihin ka, huwag mo ng patagalin."

"Let's get some drink first." Saka siya tuluyan ng lumabas ng kotse. Lumabas na rin ako at sumunod sa kanya.

"Seat here and wait for me. I'll be fast," sabi niya, tukoy sa table na nasa labas ng convenience store.

"Okay," tipid na sagot ko at naupo.

Pinanood ko siyang pumasok sa loob at kung paano siya tumungo sa section ng mga inumin sa kabila ng glass wall. Pinanood ko kung paano siya pumili ng bibilhin hanggang sa mawala siya sa paningin ko nang nasa likod na siya ng mga shelves. Nakita ko nalang siya na nasa counter na at may iniabot na card sa casher. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang isang chocolate milk. 'Yun lang pala.

Mas lalo lang akong nalulungkot at nasasaktan dahil sa ginagawa niya.

Bakit hindi nalang niya diretsahin? Bakit kailangan pang maging ganito? May ganyan pa. May mga pa-ganito pa.

Eleven Eleven (BXB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon