Chapter 34

11.4K 488 43
                                    

ELEVEN ELEVEN | CH34

"You look beautiful," he said after glancing at me. He was driving and smiling a little. Probably thinking about my looks today.

"Beautiful? E hindi naman ako babae," I replied.

I was wearing a mustard long sleeves polo (relaxed fit size) na tatlong beses na nakatupi sa may wirst ko. Beneath was a gray t-shirt. I partnered it with a black jeans and my favorite white sneakers. Suot ko rin iyong silver necklace na may pendant na emerald na regalo ni Mommy sa akin.

He snorted as he glanced at me again. "Crap that idea," he started. "You can be a male but still look beautiful, gorgeous, pretty, elegant, lovely or anything that society believes only a woman can be."

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa mga sinabi niya. Calvin's beyond everything that I wished for. Na-a-amaze ako palagi sa mga sinasabi niya.

"Thank you," I said then pursed my lips dahil sa kilig.

"Welcome, babe," he replied, still with a smile printed on his face.

I took my phone out from my pocket. "I'm gonna take you a picture," sabi ko at clinick iyong camera. "Gusto sana kitang i-flex sa IG story ko kaso ayokong makita ka ng iba," I said, thinking about other people specially my parents.

"Well, you don't have to flex me dahil para sa 'yo lang naman ako," sabi niya nang seryoso.

Napakagat ako sa labi ko habang pinapanood siyang magmaneho. He was wearing a white long sleeves polo na nakatupi pataas. Naka-itim din siya na jeans na binagayan ng dark brown leather shoes. On his chest was a gold necklace and he was also wearing a silver wrist watch. Ang gwapo niya.

"Don't stare, I'm driving. I can do multitasking but my whole consciousness is falling onto you so don't," he said.

"Okay, eto na," sabi ko.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa daang tinatahak namin papunta ng Batangas. Naalala ko kasi iyong sinabi noon ni Mommy-lola na ipakilala ko raw sa kanya kapag may boyfriend na ako.

"I know I'm being redundant here but your grandparents are kind, right?" tanong niya na naman. Kanina pa siya tanong nang tanong bago pa kami umalis ng bahay. Kinakabahan daw siya.

"Oo nga. Promise. Mabait sila," I assured him.

"I'm afraid your grandpa's as strong as a twenty year old guy. I don't wanna be punched," he said. He let out a short laugh.

"Hindi, ah. Mabait si Daddy-lolo. Mamaya makikita mo."

"Sure?"

Tumango ako. "Sure."

Tumabi muna kami sa kalsada nang mapadaan kami sa mga nakahilerang fruit stand sa tabi ng daan.

"Wait me here. I'm going to buy fruits for my future grandparents," sabi niya bago lumabas ng kotse at pumunta roon sa isang fruit stand.

I watched him talk to the owner of the stand. Pagbalik niya ng kotse ay may dala-dala na siyang isang basket na naglalaman ng iba't ibang mga prutas. May mansanas, mangga, pinya, dalandan, at ubas. Inilagay niyo iyon sa may backseat at saka siya tuluyang naupo sa driver's seat.

Bumalik na kami sa pagtahak sa kalsada.

"Do you think okay na 'yon or should I buy more?"

"Okay na 'yon. Magugustuhan ka pa rin naman nina Mommy-lola. Confident ako ro'n."

"You sure?" he asked again.

"Sure ako. You're honestly too good for me nga, e. Sobra-sobra."

I heard him smirked. "Really? Gusto ko lang maging sapat ako para sa 'yo."

Eleven Eleven (BXB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon