Chapter 26

11.2K 557 66
                                    

ELEVEN ELEVEN | CH26

Sa nagdaang isang linggo, naging ganoon ang setup namin. Sinusundo ako ni Calvin tuwing umaga sa bahay pero hindi kami nag-uusap. Mas gusto kong huwag nalang magsalita kapag nasa malapit lang siya. Para na nga akong mawawalan ng dila kapag nasa ganoon kaming sitwasyon dahil wala talagang ingay na namamagitan sa amin. Mas mabuti na rin iyon, wala naman akong dapat sabihin sa kanya, 'di ba? Wala namang sapat na dahilan para kausapin siya. Pareho lang kaming biktima ng setup na 'to. We were both screwed here.

"First," Calvin called me. I was a little bit shocked for the reason that he just broke the week-long silence between us after noong nangyari sa cafeteria ng IBEM.

I looked at him pero iniwas ko rin agad ang paningin ko. Ibinaling ko nalang ang mga mata ko sa harap ng kotse niya habang bumabyahe kami on our way to SFU. His face was so intimidating. Napakasinungaling ko kapag itinanggi kong ang gwapo niya nga talaga.

I heard him sigh before he began to speak. "Surely, our Dads will find out soon that there's nothing significant is happening between us," he said, then paused. There was a hint of stress in his voice. "Dad were asking me last night and it's bad that I had nothing to say so I lied that... we're doing good where in reality, we're not."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman kasi ganoon kadali ang gustong mangyari nina Tito Jordan at Daddy.

Marahan nalang akong napakagat sa ibabang labi ko. Wala naman silang alam sa naging issue namin ni Calvin noon. Napahinga rin ako nang malalim. Ang hirap naman nito.

"Ano ba'ng dapat nating gawin? Katulad ng sinabi ko, pwede naman tayong hindi sumunod sa kanila." Iyan lang ang naiisip ko. Sigurado naman akong masyadong mahal kami ng mga Daddy namin kaya hindi naman nila kami itatakwil. Unlike sa mga nasa teleseryes.

"Yeah, then after disobeying them, Dad and Tito Fred will nag us until we'll both resort on going back into this situation. They won't stop," he said, obviously contradicting me.

"So, ano'ng gagawin ko? Ano'ng gagawin natin?"

"Cooperate. Just cooperate, First."

"Hindi ko yata kaya. I'm not good at acting."

'Unlike you'.

I said inside my head.

I couldn't afford to act as if we're really close—na parang magkaibigan talaga kami. As if nothing happened between us. Na parang hindi niya ako pinaglaruan noon.

Ang hirap kasi talaga. Hindi pa ba enough na alam na nila na magkakilala kami? Na nasa iisa kaming school na pinapasukan? I built a wall between us and I don't want to break that. Alam mo 'yun? Hindi naman sa hindi ako maka-move on pero kasi, forgiving someone doesn't equate to reconnecting with them. May mga hangganan kasi ang mga bagay. Hindi naman kailangang maging dikit kayo ulit para lang ma-prove na naka-move on ka na—na hindi ka na bitter. That's not always the case.

Ramdam kong nag-iisip si Calvin ng sasabihin habang nagmamaneho. "Is it still about the 'thing' that I did?" he asked. Nanahimik lang ako. Ano ba'ng kailangan kong sabihin? "I was an asshole... I'm so sorry." Pansin ko na naman ang mga buntong hininga niya.

"Huwag mo ng ibalik 'yon. Nakalimutan ko na, e," I casually said.

"Yeah, but until now, my conscience is eating me up."

I gave him a glance. Guilt was accross his face. "Mas mabuting maging masaya nalang tayo at 'wag ng isipin 'yon. Kontento na rin ako sa kung ano'ng meron ako ngayon. At least may natutunan naman ako doon sa nangyari so thank you pa rin sa 'yo at saka ikaw, may girlfriend ka na, si Margo. It's better to focus on what the present is giving us. Mag-move forward nalang tayo," seryosong sabi ko sa kanya.

Eleven Eleven (BXB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon