𝗛𝗨𝗦𝗚𝗔𝗗𝗢

30 22 0
                                    

Ako'y nakatayo at nakaharap sa entablado
Kung saan kung ikaw ay kabado ikaw ay delikado
Wag kang matakot na huhusgaan ka ng maraming tao
Dahil ganyan talaga dito sa mundo

Hindi tayo perpekto
Pero kung makahusga akala mo kung sino
Ang lakas maka sabi ng inutil, bobo, gago
Mga p*tang*na ang sarap hampasin ng kaldero ang ulo

Buhay ko/natin ay pinakikialaman nila
Parang mga cctv na nakabantay sa buhay ng iba
Umpisa palang ng storya
Pero sa kwento nila sa iba ay patapos na

Sariling kalat ay di nila matapon sa basura
Parang sila ang sarap itapon sa basura
Puro chismis ang iniinda
Samantalang gawaing bahay ay di magawa

Umaga hanggang gabi
Ang inaatupag ay chismis at pagkakalat ng mali
Ulo hanggang paa
Huhusgahan ka ng sobra sobra

Ganito na ba ang tao sa mundo
Isang pagkakamali mo ay huhusgahan na nila ito
Samantalang mga tama ay hindi binabantayan
At puro pagkakamali mo at kapantasan lamang ang laging tinitingnan

RANDOM POEM COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon