WATTPAD WORLD

23 17 0
                                    

Mundo kung saan marami kang gusto
Mga magaganda at gwapo
Mga taong perpekto
Pero sa totoong buhay sila'y hindi totoo

Mundong puno ng nakaka aliw na kwento
May nakakatakot, nakakakilig at kahit ano
Mundo kong saan mo pinapangarap na makapunta dito
Magagaling na manunulat ang gumawa nito

Sa tuwing nagbabasa para daw tayong tanga
May nalalaman pang paiyak iyak at tawa
Seryoso ka? Ikaw nalang kaya magbasa
Siguradong mas magiging baliw kapa

Mga lalaking pinapangarap ko ay nandito
Katulad nila Jeydon, Deib, Ace at Juanito
Meron ding mga babae na magaganda
Kaya nga nakakainggit sila

Maraming bagay tayong pinapangarap
Mga pangarap na matagal na nating hinahangad
Pero pangarap ko'y naiba sa kanila
Dahil ang pangarap ko makapunta sa mundo ng mga taong di nakikita

'WATTPAD WORLD' ang tawag dito
Mga kwento lang ito pero ito ang pinapangarap ko
Pangarap na matagal ko ng hinahangad dito sa mundo
Pero kahit anong gawin ang hirap tuparin nito

"Kapag ang Bad Boy nagmahal pati asin lalanggamin"
Linya ni Jeydon na diko malimutan
Sa tuwing naririnig ako'y napapatawa
Dahil yan sa Jeydon kong pinapantasya

"Sige ka ipapa amoy ko tong panty ko"
Linya ni Pipay na palatawa with matching iyak pa
Dahil sa kagaguhan ni Josh na manloloko pala
Isama mo pa si Monica na ang landi talaga

May manunulat na mamamatay tao
Alam ko sinong iniisip niyo
Meron ding history ang pangunahing tema nito
At si Binibining Mia ito

Magagaling na manunulat ang aking hinahangaan
Sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako nagsisipag
Sana isang araw sila'y aking makita
Dahil sila ang dahilan ng aking pagiging manunulat at makata

"Sampung hakbang papalayo kay supremo"
Isang linya sa kwento na nakakaiyak ng todo
Naalala niyo pa si Carmela at Juanito?
Nakakakilig diba ng todo ang kanilang kwento

Tatapusin ko na ang tulang ito
Alam ko naman na hanggang pantasya lang talaga ako
At isa nalang ang hinahangad ko
Ang makita sa personal ang hinahangaan kong author ng kwento

Paalam na
Mahpapaalam na ako

RANDOM POEM COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon