Bawat isa ay may iniindang problema
May mga pangarap na nais makuha
May mga gusto na matagal na ring kumupas at nawala
Pero ako isa lamang ang aking gustong makamtan at makuhaIsang bagay na matagal ko ng hinahanap
Bagay na sa iba ay wala lang daw ganap
Pero ito ay matagal ko ng pangarap
Ang maging isang ganap na manunula(t)Sa kanila ito ay balewala
Hindi pinapansin at hinuhusgahan pa
Hindi raw nila gusto dahil napaka walang halaga
Pero sa akin ito ay sobrang laking bagay na nais kong makuha"Sa lahat ng bagay bakit ito pa?"
Laging tanong ng iba
Kaya di na ako nagpaligoy ligoy pa
Dahil dito ako masaya at wala ng makakahigit paLahat sila ay tumawa
Maging si Ama't ina
Itigil ko na raw kasi hindi ako sisikat pa at wala raw akong mambabasa
Walang halaga raw ang pagsusulat ng storya o tulaWala akong pake kung wala akong mambabasa o taga suporta
Ang sa akin ay mapalabas ang tunay kong nadarama
Dahil sila ay hindi nakikinig sa mga problemang aking iniinda
Kaya sa pagsulat ko dinadaan ang aking nadaramaNagsisimula palang akong sumulat
Kaya di masyadong tama ang sukat
Mali mali pa ang ibang salita
At ang iba nito'y hindi tugmaWalang mambabasa
Walang taga suporta
Pero ang daming taga husga
Pero kahit ganito magpapatuloy ako sa pagsulat ng storya at tula