Chapter 1

7 0 0
                                    

Chesa's POV
 
Isang masangsang na amoy ang pumutol sa napakaganda kong panaginip. Nasabi ko na ata lahat ng mura sa Filipino at English ng mapagtanto ko na ang hinahalikan ko na pala ay paa ni Cris.
 
"Masarap?" he asked while grinning like  an idiot.
 
"Ang sangsang ng amoy!" sabi ko habang marahas kong pinupunasan ng kumot ang bibig ko. "Amoy patay na daga!"
 
Napaka bastos ng unggoy na ito. Bukod sa sinira niya ang napakaganda kong panaginip kung saan nagki-kiss na kami ni Jeon Jungkook my loves, ay talagang pinag ngudnguran niya yung talampakan niya sa pagmumukha ko.
 
Halos mamatay matay na siya kakatawa sa sagot ko.
 
"Ano bang problema mo? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Alam mong natutulog ako tapos, argh, buwiset ka!" binato ko siya ng mga unan sa sobrang inis ko. Hindi naman niya inilagan ang mga ito dahil abala siya sa pagtawa.
 
Ilang segundo rin ay kumalma na siya at pinunasan niya ang kanyang mga luha na dulot ng pagtawa na parang walang bukas gamit ang damit niya. At ako naman ay nakatirik pa rin ang mga mata sa kanya. Sinusumpa ko siya sa kaibuturan ng aking kaluluwa.
 
Sasabihin ko na sana ang mga curses na alam ko ng biglang tinutok niya ang screen ng phone niya sa mukha ko. Sa sobrang taas ng brightness nito ay hindi ko maimulat ang mga mata ko.
 
"Look, 6:30 na." sabi niya habang nakatapat pa rin sa mukha ko ang phone niya na sobrang liwanag.
 
"Tapos? Ano gagawin ko kung 6:30 na? Tsaka alisin mo nga yang phone mo sa mukha ko. Mabubulag ako." tinatabig ko  ang kamay niya pero mas tinutok pa niya sa mukha ko yung phone.
 
"Alam mo ba na may pasok ngayon?"
 
Pasok.....?

Shit!
 
May pasok nga pala ngayon. Akala ko ay linggo palang.
 
Tiningnan ko maigi ang cellphone ni Cris na nakatapat sa mukha ko. 6: 33 am, Monday. Shit talaga. 22 minutes nalang, magsasarado na ang school gate.
 
Mabilis akong bumangon at kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto at dali dali akong nagtungo sa banyo.
 
Two story house ang tinitirhan namin, ang mga kwarto ay nasa second floor at ang kaisa isang banyo namin ay nasa first floor. Sa kasamaang palad, ilang beses na ako nadudulas sa hagdan kaya naman dahan dahan akong bumababa rito, nakasunod naman sa akin si Cris habang abala sa librong binabasa niya. May mata ata ang mga mabaho niyang paa at nakakababa siya ng hagdanan habang nagbabasa ng libro.
 
Nang marating ko na ang baba ay may isang mabilis na unggoy ang dumaan sa tabi ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.
 
Sinubukan ko pang habulin ang unggoy na iyon kaso wala na, nakapasok na.
 
"Bakit hindi niyo ba ako ginising ng maaga!?" sigaw ko. Gusto ko maglupasay sa sahig!
 
"Tulog mantika ka. Napiing na nga yung sandok kakapukpok sa kaldero dahil ginigising ka, pero hindi ka pa rin magising." sigaw ni Rio mula sa loob ng banyo.
 
Papasok ako ng hindi ligo ngayong araw. Dahil asahan mo na, kapag si Rio ang naligo, napakatagal. Dinadasalan pa ata niya ang tubig bago niya ibuhos sa kanya.
 
"Tsaka, paano ka gigisingin ng maaga, pare pareho tayo nglate nagising." said Cris na hindi man lang maalis ang paningin sa binabasa niya.
 
"Ikaw? Late gumising?" 'di makapaniwalang tanong ko.
 
Si Cris ang pinaka maagang gumigising sa aming tatlo. Siya ang alarm clock namin ni Rio, kaya naman nagtataka talaga ako bakit late ito nagising.
 
"Puyat ka ba?" tanong ko. Napasimangot naman siya bigla.
 
"Oo, dahil sa inyo!" mariin na sabi niya.
 
This time, ako naman ang nangunot ang noo. Problema nito? Sa pagkakaalam ko, kaming dalawa lang ni Rio ang puyat kagabi, bakit siya nakikisali?
 
Hindi ko na pinansin si Cris at dumiretso ako sa lababo at doon naghilamos. Binasa ko din ng kaunti ang aking buhok para naman hindi halata na hindi ako naligo. Ayaw ko um-absent dahil lang hindi ako nakaligo kaya naman ako ay gagawa ng paraan para magmukha akong paligo.
 
I heard Cris chuckled. How annoying, pakape kape lang siya habang nagbabasa ng libro sa lamesa. Halata mong bagong ligo ang unggoy na ito. Napaka fresh niyang tingnan, bagay sa umaga ang aura niya. Samantalang ako, eto, tamang wisik wisik lang at mukha pang sabog. Nakadikit pa rin ata sa ilong ko yung amoy ng paa ni Cris. Fresh tingnan pero ang baho ng paa, what a major turn off.
 
Inirapan ko lang siya at nagtungo na ako sa kwarto ko upang magbihis na ng uniporme. Time check, 15 minutes before the closing of the school gate. May oras pa. Malapit lang naman ang school sa bahay namin. Kung lalakarin, mga limang minuto ang tinatagal pero kung magta-tricycle ay siguradong isa o dalawang minuto ay makakarating kami sa school.
 
Pagkabihis ko ay mabilis akong nagtungo sa kusina upang kumain pero tanging tasa na may lamang kape lang ni Cris ang nadatnan ko sa lamesa.
 
"Hindi nakapagluto si Rio." sabi ni Cris na nahalata agad kung ano ang nasa isip ko.
 
Hindi na ako nagtaka, late kaming lahat gumising.
 
Nagugutom na ako at pakiramdam ko ay masusuka ako kung tubig lang ang titirahin ko. Kaya naman kinuha ko ang kape ni Cris at tinungga ito. Hindi na siya ganoon kainit kaya naman mabilis ko itong nainom ng walang kurapan. Gaano ba ka lady-like ang unggoy na ito at pati pag-inom ng kape ay napakahinhin. Kanina ko pa siya nakikitang umiinom pero sa nainom ko tila marami pa itong laman.
 
Hindi naman nag reklamo si Cris sa pag-inom ko sa kape niya. Patuloy pa rin siya sa pagbabasa.
 
Narinig ko rin na tapos na maligo si Rio kaya naman ready na kami iwanan siya.
 
"Rio, una na kami. Bye." pagpapaalam ko. Nagsusuot na ako ng sapatos, si Cris naman ay papalabas na ng bahay.
 
"Hoy! Teka lang!" sigaw ni Rio na kakalabas  lang ng banyo. Sana all nakaligo.
 
Nagsimula na kaming maglakad ni Cris papuntang paradahan ng tricycle na maaninag mo lang sa hindi kalayuan.
 
Nang malapit na kami ay narinig naming sumigaw si Rio.
 
"Hoy! Napaka salbahe niyo, iniwanan niyo talaga ako." hingal na hingal niyang sabi ng marating niya ang pwesto namin ni Cris.
 
Ano kayang magic ang ginawa nito at napaka bilis magbihis. Ang buhok, talagang naka wax pa. Ang mukha, aba, ay pantay na pantay ang pulbos. Cologne? Checked. Complete uniform...?
 
Napahagalpak ako ng tawa ng mapansin ko ang suot na sapin sa paa ni Rio.
 
Hindi agad napansin ni Cris ang pinagtatawanan ko kaya naman ay itinuro ko kung ano iyon.
 
At ngayon ay sabay na kami tumatawa ni Cris. Si Rio naman ay nakatingin lang sa amin na para bang nasisiraan na kami ng bait.
 
"Problema niyo?" lalo lumakas tawa naming dalawa ni Cris. Itinuro ko kay Rio kung ano iyong pinagtatawanan namin.
 
Nang makita na niya kung alin iyon....
 
"Tang-ina." malutong na sabi ni Rio. Sa sobrang kamamadali niya ay hindi niya na namalayan na naka tsinelas pambahay pa rin siya. Suot niya pa rin ang favorite niyang Monkey D. Luffy  plush slippers.
 
No choice si unggoy kung hindi bumalik sa bahay at magpalit.
 
"Hintayin niyo ako diyan. Mabilis lang ako!" paglilinaw niya at kumaripas na siya ng takbo pabalik sa bahay.
 
"Una na kami, Rio!" pahabol na sigaw ni Cris na patuloy pa din sa pagtawa. Kahit ako ay hindi pa rin maka move on sa plush slippers ni Rio. Siya lang ang may ganoon na tsinelas sa bahay.
 
Time check, may 8 minutes pa. Makakaabot kami kung bibilisan ni Rio.
 
"Walang iwanan" team kasi kami. Mamatay na raw mang-iwan. Sino nagsabi niyan? Si Rio. Palibhasa siya yung tipo ng taong gusto mo talagang iwan, dahil mahihiya kang kasama siya at isa pa, lapitin ng gulo, problema, trahedya o anumang masamang elemento si unggoy. Pero kahit ganoon ay hindi namin maiwan ang isa't isa.
 
Mabilis na nakabalik si Rio. Doble ang hingal niya ngayon at sobrang pawis na pawis na siya. Sayang ligo, sayang tubig. Kung ako nalang sana ang pinaligo kanina, edi sana, walang masasayang.

The Uncrowned Siblings Where stories live. Discover now