PROLOGUE

6 0 0
                                    

Noong bata ako, pangarap kong tumira o makapasok man lang sa isang palasyo, at makapagsuot ng ball gown na katulad ng kay Cinderella.
 
Ngayong gabi, sa mismong kaarawan ko, natupad ang mga pangarap ko. Kasalukuyan akong nasa maala palasyong lugar at nakasuot ng magarang bestida na masasabi kong mas makintab pa sa lipstick ni Cinderella.
 
Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa, isang prinsesang pinagkaitan ng payapa at komportableng buhay.
 

Masasabi ko na ito na siguro ang pinaka magarbong birthday party na napuntahan ko. Bukod sa royal ambiance ng lugar ay kapansin pansin din na ang mga panauhin dito ay lahat mayayaman, para silang mga hari't reyna ng iba't ibang kaharian. Pananamit, pananalita, kilos at maging sa pagtawa ay mahahalata mo sa kanila ang pagiging sopistikado. Nakakasuka.
 
Nagsimula na akong humakbang paalis sa kinatatayuan ko at tinungo ang gitnang bahagi ng pagtitipon, kung saan, magiging sentro ako ng lahat. Napansin agad ako ng marami kaya naman unti unting nababawasan ang ingay na dulot ng kanilang walang kwentang usapan at tanging ang magandang musika na lamang ang aking naririnig. Sino ba namang hindi agad makakapansin sa akin, sa sobrang kintab ng suot kong bestida ay agaw pansin talaga.
 
Halong pagtataka at pagkagulat ang binabato ng mga matang nakatingin sa akin. Ako naman ay puro matatamis na ngiti lang aking sinusukli. At mas lalo pang lumawak ang aking ngiti ng makita ko na ang mga taong kukumpleto ng gabi ko, ang aking pamilya. Kitang kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat at galit ng makita ako.
 
Nang marating ko na ang sentro, ay pumalakpak ako ng dahan dahan ng limang beses at malakas ko itong ginawa upang gisingin ang mga taong mukhang natulala na ata sa ganda ko o baka nabulag na sa kintab ng kasuotan ko. Tumigil din ang musika na agad ko namang pinabalik, dahil pakiramdam ko ay mas maganda ang mga pangyayari kung may background music, mas intense.
 
"GOOD EVENING LADIES AND GENTLEMEN!" malakas na bati ko. Nagsimula namang magbulungan ang ibang tao na medyo kinaingay ng paligid.
 
Kaya naman ay nagtungo ako sa maliit na stage kung saan may microphone at golden throne. Golden throne huh? Napangisi ako sa naisip ko. Pagkakuha ko ng mikropono ay agad akong tumungtong sa golden throne. Narinig ko namang napasinghap ang karamihan at tinitingnan ako na para bang isa akong baliw.
 
"ANONG GINAGAWA MO!?" isang malakas na sigaw ang nagpatahimik sa buong paligid.
 
Tumawa ako ng mahina hanggang sa hindi ko na napigilan ay napalakas na ata, napa padyak pa ako ng bahagya. Grabe, nakakatuwa pagmasdan ang galit na galit niyang pagmumukha. Siguro kung may baril itong hawak ay pinaputukan na niya ako agad.
 
"Anong ginagawa ko? Inaapakan ko lang naman ang pinakamamahal mong trono, na ninakaw mo lang?" sabi ko habang nagpapapadyak ako sa kinatatayuan ko. At isang malawak na ngiti ang aking pinakawalan habang katitigan ko ang matandang nag-aapoy na sa galit.
 
"Paalisin niyo ang babaeng ito! Guards!" sigaw niya pero walang kahit isang anino ng guwardiya ang nagpakita.
 
"Chill ka lang gramps, baka mapaaga ang punta mo sa impiyerno niyan."
 
"Ikaw! How da-."
 
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya, baka mahimatay pa ito ay hindi niya marinig ang inihanda kong speech para sa kanya.
 
"Again, good evening ladies and gentlemen." pag-uulit ko. "Naistorbo ko ba kayo? Pasensya na, saglit lang ito. Nais ko lamang magbigay ng final message sa aking pinaka mamahal na pamilya, ang mga Royal."
 
Nagkaingay na ulit ang mga mga tao at halata ang pagkagulat nila sa kanilang narinig.
 
"Oo tama kayo ng iniisip, isa akong Royal. Sa katunayan nga niyan ay kaarawan ko rin ngayon. Parehas kami ng date of birth ng taong kinikilala niyo na 'hari ng mga Royal'." napatingin naman ang mga tao sa hari na sinasabi ko.
 
"Hindi niyo ba ako babatiin, kaarawan ko rin ngayon?" natatawa kong sambit. And as expected, walang umuusap sa kanilang lahat dahil abala sila sa what-the-hell look na ibinibigay nila sa akin.
 
"HAPPY BIRTHDAY! MABUHAY KA! HOOOOO!" sigaw ng lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Kahit hindi ko makita ng malinaw ang kanyang mukha, ay boses palang niya, alam kong siya na iyon. Kumaway ako sa kanya bilang thank you samantalang siya naman ay hindi mapigilan tumawa. Kahit ako ay gusto na ring matawa. Medyo kinurot ko ang pisnge ko para mapigilan ang sarili ko sa paghagalpak.
 
"Plinano niyo ito!" sigaw ng hari ng mga Royal. In fairness, ang lakas ng boses niya, nadaig niya pa yung hawak kong mikropono.
 
"Eh ano kung plinano namin? Sher mo lang?"
 
"HAHAHAHAHAHAHA BURN!" isang malakas na hagalpak na ang narinig ko mula sa hindi ulit kalayuan. Katabi niya yung lalaking bumati sa akin kanina. Parehas silang tawa ng tawa. Mga baliw.
 
Natatawa na rin ako buwiset. Lakas makapanghawa nung dalawang baliw sa likod. Pinagtitinginan na tuloy sila ng marami.
 
"Ok, everyone, dito na kayo humarap." mabilis ko namang naagaw ang atensyon nila mula sa dalawang lalaking baliw sa likuran.
 
"This final message of mine to my beloved family, ay hindi naman ganoon kahabaan. Sa totoo lang, ito ay puro pasasalamat lamang. At gusto ko na marinig niyong lahat iyon, bilang patunay na sobrang pinagmamalaki ko ang aking mahal na pamilya." pahawak hawak pa ako sa kanang dibdib ko na para bang aawit ako ng lupang hinirang.
 
"Tumigil ka na...." ma-awtoritadong sabi ng aking ama. Magkahawig sila ng matandang naghahari harian. Nakakairita silang pagmasdan lalo na kapag magkadikit sila.
 
Pero isang flying kiss ang aking ginanti. Dahil sa ginawa kong iyon, mas lalong nag igting ang kanyang mga bagang na para bang anytime, bubuga siya ng apoy.
 
"Ok, uunahin ko muna ang not-so-important kong Auntie." alam kong kanina pa niya ako pinapatay sa isip niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang walang siyang pakialam sa sasabihin ko. "Gusto ko sabihin sa iyo na, SUPER na appreciate ko ang effort mo na lasunin ako. Next time, make sure na, hindi ka na papalpak. Ang dami kasing nasasayang na pagkain, napupunta lang sa basurahan. Ok? Do not waste food, maraming nagugutom." nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko. Not expected huh?
 
Narinig ko ulit ang mga bulungan ng mga tao, pumapalakpak na ang mga tenga ko sa aking naririnig.
 
"Next, para naman sa iyo, Papa, ang ama kong ubod ng gwapo, nagpapasalamat ako ng marami sa iyo dahil ginawa mong miserable ang buhay ko at buhay ng mga kapatid ko. You really deserve the award of 'worst father ever'. Gusto mo iyon? Ipaggagawa ka namin, ipapa-laminate ko pa. Ganon ako ka thankful sa iyo."
 
Narinig kong nagpapalakpakan ang mga lalaking kanina pa nakatayo sa hindi kalayuan. Tatlo na sila ngayon, kaya mas lalong lumakas yung presensya nila. Mga baliw talaga.
 
"And last but not the least, the EVIL, the MURDERER and the crown thief, the so-called king of the Royal, Lolo. Mabuhay ka! Ikaw talaga yung pinaka dabest sa lahat kaya hinuli kita. Alam mo kung bakit? Dahil ikaw ang pinakamaraming nagawa sa aming magkakapatid."
 
"TAMA NA!" sigaw niya pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita.
 
"Thank you Lo, sa pagpatay mo sa pamilyang Royal." sa sinabi kong iyon, hindi ko mapigilang ngumiti ng mapait. Eto na siguro ang pinaka sarkastikong linya na nasabi ko sa tala ng buhay ko.
 
Lalong nagkaingay ang mga tao maliban sa mga Royal na pinapatay ako ng tingin at tahimik lang sa kanilang kinatatayuan. Cute nilang tingnan.
 
Bababa na sana ako sa kinatatayuan ko ng maalala ko na may isa pa pala akong gustong ipagpasalamat.
 
"Muntik ko na makalimutan ang mga aso ng pamilya namin." sa pagkakasabi ko n'yon, natahimik lahat ng tao at matalim ang mata akong tiningnan. Alam nila na sila ang tinutukoy ko, how smart dogs are.
 
"Arf! Arf! Ang tatalino niyo. Alam niyo na kayo ang tinutukoy ko. Good dogs." natatawa ako sa sarili ko at sa kanila, parang gusto nila ako lapaing lahat. "Easy lang, gusto ko lang mag thank you din sa inyo. Talaga namang naging mabubuti kayong alagad ng Royal. Naniniwala na ako na dogs are loyal to their owners. Keep up the good work, arf!"
 
Then the lights turns off.
 
"That is all. MABUHAY ANG ROYAL!" sigaw ko habang nagkakagulo na ang mga tao. Samu't saring ingay ang aking naririnig, mga nababasag na pinggan, ganoon din ang mga baso at sigawan ng mga aso. Naaninag ko naman ang mga Royal na hindi gumagalaw at nakapanatili pa rin sa kanilang kinatatayuan.
 
Makikisigaw din sana ako kaso may humawak sa bewang ko at isinampa ako sa balikat nito na para bang isa akong isang sako ng bigas. "Tara na." sabi niya. Ano ba iyan, gusto ko makisigaw.
 

Ilang minuto ko na atang pinagmamasdan ang labas ng mansyon kung saan rinig ko pa rin ang sigawan ng mga tao. Hindi ba sila napapaos?
 
Sumandal ako sa sasakyan at tahimik na pinapakinggan ang alulong ng mga aso sa loob ng mansyon. Naramdaman ko naman na may tumabi sa aking apat na unggoy.
 
"Hoy, birthday girl, paano kaya sila makakalabas diyan?" unggoy 1. Siya ang sumigaw ng happy birthday sa akin kanina. Kahit alam niyang hindi ko naman talaga birthday at eme ko lang yung kanina, talaga namang pinangatawanan niya na kaarawan ko ngayon.
 
"Aba, malay ko. Wala ata kayong itinirang butas na pwede nilang malabasan doon sa loob." sagot ko.
 
"Kung gagamitin nila ang utak nila, makakalabas sila." unggoy 2. Eto naman ang bumuhat sa akin kanina palabas ng mansyon. "But I bet, 90% of their brains aren't working right now because of the panic." nakangisi niyang sabi.
 
"Ang bad natin." unggoy 3. Napatingin naman ako sa kanya, at pinanliitan siya ko ng mata. "What? Hindi ba masama daw ikulong ang mga hayop dahil na to-trauma daw ang mga ito?"
 
"HAHAHAHA gago, mga demonyo nasa loob. Kung gusto nila makaalis, sa impiyerno sila dumaan, tutal naman kabisado  nila ang ruta doon. Taga doon sila eh." unggoy 4. At eto yung napaka lakas tumawa kanina, muntik pa ako mahawa, buti na lang dinama ko masyado ang speech ko kanina kaya walang nakasira ng momentum ko.
 
Mga unggoy talaga itong mga kapatid ko, kahit sa napaka seryosong sitwasyon, nagagawa ko pa rin tumawa dahil sa kanila. 
 
Pinagmasdan ko muli ang mansyon.
 
"Mas maganda siguro ang lugar na ito kung karapat dapat ang nakatira."
 
"Yeah." my brothers all agreed in chorus.
 
"Pero mas maganda ako." sabi ko na ikinatawa nilang lahat. Kahit insulto sa akin ay nakitawa na rin ako dahil nakakahawa sila.
 
Ang sigawan mula sa loob ng mansyon at tawanan naming magkakapatid, ay isang magandang musika para sa akin.
 
This is just only the beginning of your end, Royal. Kung walang ibang taong kayang patumbahin kayo, kami mismong Royal ang wawasak sa Royal.
 
 

The Uncrowned Siblings Where stories live. Discover now