Prologue

61 4 0
                                    

Hindi ko inakala na ako’y mabubuhay ng ganito katagal mula ng patayin ko ang sarili kong kapatid dahil sa sobrang selos, suklam at pagkamuhi. Napakababaw na dahilan para gawin ko ang unang karumaldumal na krimen sa kaisa-isa kong kapatid. Wala naman akong ibang hangad kundi ang mapaligaya ang aking Poong Maykapal, mabigyan ng karangalan at maging kalugod-lugod sa kanyang harapan.

Datapwat napakasakit tanggapin na halos lahat ng aking alay ay kanyang di nagugustuhan, bakit ang ke Abel ay nakakarating sa Kanya ng walang hadlang?  Di ko maintindihan noon ang aking nararamdaman, parang ako’y sasabog na parang kumukulong lava ng bulkan. Kaya noong kami’y mapag-isa ng aking kapatid, pumasok sa isipan ko ang siya’y alisin sa aking landas, sapagkat siya ang napakalaking  hadlang upang ako’y mas lalong mapalapit sa aking Poong Maykapal.

Akala ko’y hindi Niya malalaman ang kahindik-hindik na krimen na aking nagawa, akala ko magiging maayos lang ang lahat para sa akin. Ngunit laking gulat ko ng ako’y tanungin ng Poong Maykapal.

“Cain, nasaan ang iyong kapatid na si Abel?”

Pilit kong itinago ang aking pagkakasala, subali’t sino nga ba ang makakaligtas sa Diyos na nakakaalam sa lahat ng bagay?

Dahil sa aking malaking pagkakasala, ako’y Kanyang pinarusahan, at sa noo ko’y itinatak niya ang isang simbulo ng isang isinumpa ng Diyos. Kasabay noon ang isang pangako na ang sinumang magtangka sa aking buhay ay sa Kanya’y mananagot.

Kay tagal ko nang dala-dala ang sumpa ng Dios Ama sa akin at sa mundong Kanyang gawa, nasaksihan ko kung paano nahulog sa kamay ni Lucifer at ng kanyang mga kampon ang sangkatauhan. Kung papaano nila itinakwil ng makailang beses and Dios Ama at kung paano din kung ilang beses silang iniligtas Niya.

Hanggang sa dumating ang panahon na kailangan nang maisakatuparan ang propesiya, ang pagsilang ng natatangi at nag-iisang tagapagligtas….ang kaisa-isa Niyang Anak na si Hesus.

Oh! Nagumapaw ang katuwaan sa aking puso ng malaman kong magkakaroon na din ng katuparan ang matagal ko nang minimithing katahimikan at kapayapaan sa puso at kaluluwa. Ang makatagpo at makita ang aking tagapagligtas at humingi ng kapatawaran sa Prinsipe ng kapayapaan.

Subali’t ako’y pinagkaitan ng tadhana na sadyang Siya’y makadaupang palad, pagkat ang Kanyang pagtira sa mundo ng mga tao’y sadayang panandalian lamang.

Nguni’t alam ko sa aking puso’t isipan at ako’y naniniwala na ang sinuman magsisisi sa kanyang mga kasalanan at maniniwala sa Kanya bilang Anak ng Diyos ay maliligtas sa ikalawang kamatayan…ang kamatayan sa dagat-dagatang apoy na nakalaan para sa Diablo at sa kanyang mga kampon.

Bilang pagtanaw ng utang na loob sa aking Amang nasa langit, hangad kong bawasan ang kasamaan sa mundo na dulot ng mga kampon ni Lucifer. Totoo, wala akong kapangyarihan ngunit ako’y nabigyan ng pagkakataon na gamitin ang espada ni Methuselah na kayang kumitikil ng kahit anomang uri ng demonyo na naglilipana sa mundo ng sangkatauhan. Handa kong ibuwis ang aking buhay upang maibsan man lamang kahit konti ang mga paghihirap ng mga taong nagtitiwala at sumasamba sa ating Poong Maykapal.

Hindi ko kailanman hangad ang karangalan para sa sarili kundi karangalan sa aking Dios Ama na nagbigay sa akin ng sumpa upang ako’y mabuuhay ng ilang siglo  bilang kaparusahan sa aking nagawang kasalanan. Sumpa na siya kung magiging kasangga para tugisin ang mga kampon ng kadiliman kahit saan mang bahagi uh lupalop ng mundo.

Ito ang aking kasaysayan, at ito ang magiging daan tungo sa aking kalayaan mula sa sumpa at kapatawaran sa aking nagawang kasalanan.

Susunod...Episode 1 Chapter 1 "TAMBALAN

Ako Si CainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon