Episode 1 "TAMBALAN"

39 3 1
                                    

“Tambalan”- isang uri ng  hilot uh manggagamot na gumagamit ng mahika uh kapangyarihan itim para manggamot, kapalit nito ang unti-unting pagkaubos ng lakas ng taong ginagamot.

BEBOT

Maynila- masalimu-ot, maingay at magulong siyudad tanda ng kaunlaran uh progresso dulot ng makabagong panahon. Sa kabila ng naglalakihang mga gusali at istraktura ay mayroon pa ring mga taong namumuhay sa karalitaan at kawalan. Isa na ang pamilya ng batang si Bobet na mag-lalabing-isang  taong gulang pa lamang.

Sa kanyang murang edad natuto na siyang mangalakal at magkut-kot ng mga itim na plastic na bag na puno ng basura para lamang may maipantustos sa kanyang mga nakababatang kapatid at makabili ng kahit man lang dalawang pakete ng noodles. Sapat na itong pantawid gutom sa gabing balot ng kadiliman.

Habang, inihahanda niya ang luma, sira-sira  at butas-butas na mesa para sa kanilang hapunan, naririnig niyang ubo ng ubo ang kanyang ina na nakaratay sa isang lumang banig,

Ilang lingo nang ganoon ang sitwasyon ng kanyang ina, di naman niya magawang dalhin sa isang pagamutan ang kanyang ina dahil nanagangailangan ito ng deposito bago magawang gamutin ang kahit na sinong pasyente. Ang tanging gamot na kanilang itinuturing ay isang botelya ng likido na me halong mga kakaibang dahon na bigay ni Tatang…isang tambalan.

Kahit papaano’y naiibsan ang sakit ng dibdib ng kanyang ina sa tuwing ito’y umiinom ng likidong iyon. Marahan niyang nilapitan ang kanyang Ina dala-dala ang isang tasa ng noodles.

“Nay, kain na po kayo at ng makapagpahinga kayo ng maaga” Marahan niyang nilapag ang isang tasa ng noodles sa tabi ng kanyang Ina sa bay alalay nito na pilit na bumabangon sa kanyang higaan.

Kahit hirap sa paghinga'y tinanong siya ng kanyang Ina, “Kumain ka na ba kasabay ng mga kapatid mo?”

“Opo nay, wag niyo na po akong alalahanin kumain na po kayo at pagkatapos po inumin niyo ang gamot na bigay ni Tatang”.

Huminga ng malalim si Selya sabay tingin sa kanyang anak. “Bebot, samahan mo ako bukas ke Tatang ha.”

“Bakit po? Di ba sa susunod pa na lingo kayo pinababalik sa kanya?”

“Oo nga…pero…parang nararamdaman kong mas lalao akong nanghihina sa tuwing umiinom ng ibinigay niyang gamot.”

“Baka naman kasi di kayo naniniwala na mapagagaling ni Tatang”, marahang sagot ni Bebot.

Napangiti si aling Selya sa sinabi ng anak. “Alam mo anak, kung meron mang dapat maniwala ay ako yun dahil ako ang me sakit.”

Panandaliang tumahimik ang mag-iina, sabay bunting-hiningang nasabi ni Selya ang isang bagay na nagbigay ng palaisipan ke Bebot.

“Ewan ko ba, pero parang meron akong hindi magandang nararamdaman sa Tatang na ‘yon sa tuwing ako’y kanyang ginagamot…Hayyy…kung meron lang akong maraming pera sa isang tunay na Doctor sana ako dapat magpatingin.”

“Ano’ng ibig mong sabihin na meron kang nararamdamang hindi maganda ke Tatang Nay? Me ginagawa ba siya sa ‘yo sa tuwing ika’y magpapagamot sa kanya?”Nag-aalalang  pagtatanong ni Bebot.

“Hindi ko alam, pero sa tuwing ako’y kanyang ginagamot parang nawawala ako sa sarili palagi. Parang nawawalan ako ng malay at nagigising lang pagtinapik niya ang mukha ko.”

“Kung ika’y nag-aalangan nang magpagamot ke Tatang, pwede naman sigurong wag na tayong bumalik doon, nay.” Pag-aalalang sabi ni Bebot.

“Kung pwede lang sana anak eh, kaso gusto ko na talagang gumaling naaawa na ako sa inyong dalawa ng iyong kapatid, lalong-lalo na sa’yo di ka na nakakapag-aral ng maayos.” Malungkot na turan ni Selya.

Pangiting inalo ni Bebot ang ina para maiwasan na nitong mag-alala, “’Yaan mo Nay, alam kong gagaling ka, ako’y nananalig sa Dios na diringgin Niya ang aking mga panalangin.”

“Sige na Nay, baka mas lalong lumamig na ‘tong noodles kumain na po kayo at ng makapagpahinga na rin, pati na rin kami at maaga pa akong aalis bukas at mangangalakal muna bago tayo magpunta sa Tambalan.”

Ako Si CainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon