Si Cain

13 3 2
                                    

Si CAIN

Sa isang liblib na bahagi ng Maynila, dalawang lasing na teenagers ang pasuray-suray sa daan habang nagkwekwentuhan.

“”lam mo Dude, ang ganda ng katabi ko kaninang chicks”.

“(Snorts) Sigurado ka bang maganda yun? Baka lang gumanda dahil sa sobrang kalasingan mo, tsaka di mo ba napansin ang kapal ng make-up.”

“Kahit na Dude, la akong paki kahit na makapal pa sa putik yung make-up basta para sa akin…maganda siya,..period, exclamation mark.”

“OO na, matigil ka lang… (Stops walking then notices something from a distance) Dude, nakikita mo baa ng nakikita ko?”

(Smiles Drily)”Alin? Yung parang sakong nakataob nay un? Wala yan..baka basura lang yan, baka kung sino naming sira ulo ang nagtapon niyan.”

“Hindi Dude, tao talaga yan…nakikita ko nakataob at paranng isang matandang lalaki, (Starts Panicking while grabbing his friend’s collar) Patay tayo Dude! Baka sinalvage yan, tayo lang ang nandito tayo ang tiyak na pagbibintangan.”

(Madly) Tumigil ka nga diyan kung ayaw mong batukan kita…(Then) Ang mabuti pa lapitan natin at tingnan, nakita kung medyo gumalaw baka buhay pa yan.” (Starts walking towards the body while dragging his friend with him)

(Cain Moans) Hmmmmmm….

“Uh di ba sabi ko sa ‘yo buhay pa siya, (Pats Cain on the Shoulder) Lolo, buhay pa po ba kayo?”

(Hits his friend on the head)”Eng-eng k aba? Narining mo na ngang umungol yung tao tapos tatanungin mo kung buhay pa siya.” (Then Asks Cain) Lo, okay lang po ba kayo?

(Sits Dizzily) S-sino kayo? Nasaan ako? (Twinge in Pain) Ahhhhh….sakit ng ulo ko.

“Cool lang kayo lolo, magpahinga po muna kayo.” Aniya ng isa na parang nag-aalala.

“Taga-saan po ba kayo at bakit po kayo nakahandusay sa daan? T’saka bakit ganyan po ang su-ot niyo parang gawa sa sako?”

(Cain Smiles Drily)” Di ka rin mausisa ano bata?...(Then) Asan ako at ano’ng lugar ‘to?”

“Nasa Maynila po kayo Lolo.” Biglang napansin ng isang binate ang hawak-hawak na tungkod ni Cain at akmang hahawakan niya ‘to.

(Angrily) H’wag…h’wag na h’wag mong  hahawakan ang tungkod ko, baka kung ano’ng mangyari sa’yo.

Nagkatinginan ang dalawang binata sabay senyas ng  kanyang daliri sa me sentido ng paikot.

Nakita yun ni Cain…”Hinid ako sira-ulo mga iho,” (Stands) Kailangan ko nan’g umalis, me hinahanap akong mga tao.”

“Sandali, sure kayo Lolo na kayo niyo na ang katawan niyo? Baka bigla ho kayong tumambling paharap mamaya, ho?”

(Smiles) ‘Wag niyo kong alalahanin…mas mabuti pang umuwi na kayo dahil baka me masamang mangyari pa sa inyong dalawa at heto mamalim na ang gabi.

“Uh sige Lo, yamang ayaw niyo na din lang magpatulong…we’re outta here.” Pangiti nitong sabi sabay alis kasama ang kanyang kaibigan.

Naiwan si Cain na nakatayo at pinagmasdan ang kapaligiran, wari’y kinikilala at tinatandaan ang bawat paligid kasabay tingin sa di-kalayuan kung saan makikita ang makulay at iba’t-ibang kulay ng liwanag sa siyudad ng Maynila.

“Ano na naming uri ng pakikibaka ang naghinitay sa akin sa bayang ito?,…(Then Sighs) Hanggang kalian ko gagawin ang ganito, hanggang kalian ako kailangang mapadpad sa kung saan-saang panig ng mundo upang mapuksa at mabawasa ang kampon ng kasamaan?”

(Starts walking towards the City lights) “Kung ano man ang nandito sa bayang ‘to, handa akong kalabanin at puksain sila dahil ‘to ang sinumpaan kong tungkulin sa harap ng Dios Ama upang kahit man langs a ganitong paraan mabayaran ko ang aking kasalanan.”

Marahan na humakbang patungo ng bayang maliwanag ang matandang si Cain, taglay sa kanyang puso’t isipan ang maraming katanungan at mga agam-agam. Subalit batid niyang kahit dumaan man siya sa walang katapusang paghihirap, kulang pa ‘tong kabayaran sa kapatawarang kanyang nakamtan. Dahil para sa kanya ang sumpa ng Dios Ama ay nagging isang sandata para siya ang maging kasangga at kaagapay ng sangkatauhan laban sa mga Kampon ng Kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Si CainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon