Kezzaiah's point of viewNatanaw ko sa di kalayuan ang best friend kong si Grace. Patakbo siya'ng pumunta sa kinauupuan ko ngayon. Napagkasunduan kasi naming gumala after nilang mag-usap ng boyfriend niyang si Jeffrey.
"Zaih!" nataranta ako nang marinig kong nanginginig ang boses niya, agad ko siyang inalalayang umupo sa tabi ko nang mapansin kong umiiyak siya.
"Ano ba'ng nangyari sa'yo? Kanina pa ko naghihintay rito. Bakit ka umiiyak Grace?" nag-aalala kong tanong. Ang ayaw ko sa lahat, ay iyong nakikita kong umiiyak ang best friend ko. Siya na lang ang meron ako, kaya ayoko siya'ng nasasaktan.
"Zaih, si Jeffrey... Br-break na k-kami" nanginig ang kamay ko at nabuhay ang sistema ng buong katawan ko. Pinaiyak niya ang best friend ko, sinaktan niya ang best friend ko. At hindi ako makakapayag na ginagan'to ang best friend ko.
"Bakit daw? May nagawa ka ba'ng mali? Pa'no niya nagawa yan sa'yo Grace!?" napasigaw ako, pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko kaya. Sa ganitong sitwasyon hindi ko na magawang kontrolin ang sarili ko, lalo na't best friend ko ang nasasaktan.
"He just used me Zaih, hindi niya 'ko minahal. Ginamit niya ko para mapalapit sa pinsan ko. Sinabihan niya ako ng masasakit na salita, at nadudurog ang puso ko dahil do'n". Mahabang paliwanag niya at umiiyak pa rin.
Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang sinabi, nag-aalab na ko sa galit. Gusto ko siyang patayin sa ginawa niyang pagpapasakit sa best friend ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga panahon na namamatay ang buong pamilya ko sa harapan ko. Nung may gustong mansamantala sa best friend ko, that time nawalan ako ng control at pinagplanohan ko ng maigi ang gagawin kong pagpatay sa mga lalaking iyon.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang tapikin ni Grace ang balikat ko. At hindi ko na lang namalayan na yumakap siya sa'kin. Mahal na mahal ko ang best friend ko, papatayin ko ang lalaking yun.
Kasalukuyang natutulog si Grace ngayon, ako naman, I'm getting ready for my plan. Wag na wag mong sasaktan ang best friend ko or else you're going to be my prey. Not me, not my best friend.
"Wag kang mag-alala Grace, gagantihan ko ang kagaguhang ginawa sa'yo ng Jeffrey na yun" yan ang huling sambit ko bago ko tuluyang lisanin ang bahay na tinutuluyan namin ni Grace.
Walang ibang laman ang isip ko kundi ang gantihan si Jeffrey, last week nalaman ko na ang pamilya niya ang may kasalanan kung bakit namatay ang pamilya ko. Kaya hindi lang para kay Grace ang gagawin kong ito, it's for my family also.
Papatayin ko isa-isa sa harapan niya ang sarili niya'ng pamilya, gaya no'ng ginawa nila sa pamilya ko. Ngayong gabi gagawin kong impyerno ang buhay nila.
Ang tahimik ng daan na tinatahak ko ngayon, ang sarap sa pakiramdam. Mas lalo akong nananabik na tikman ang makakamit kong kasiyahan sa gabi'ng ito. Dahil sa wakas magagawa ko na ang gusto kong gawin sa pamilya nila.
Sumasabay ang lamig ng hangin na dumadapo sa kamay at mukha ko, pati na rin ang liwanag ng bilog na buwan. Habang patuloy kong tinatahak ang bahay nila.
The location of their house is very perfect and useful for my plan. Sa di kalayuan ng likuran ng bahay nila ay gubat, kaya saktong-sakto ito sa magandang plano ko.
Malapit na...
Kunti na lang...
Finally... I'm here...
Agad akong pumunta sa main door ng bahay nila at sinira iyon. Wala na akong pakealam kung makagawa iyon ng malakas na tunog. I want to taste the nectar of their blood.
Nang tuluyan na kong makapasok sa bahay nila, agad kong tinungo ang kuwarto ng babaeng kapatid ni Jeffrey, nagbabalikwas ito pero hindi siya nakaligtas sa lakas ko kaya nakatulog ito nang sinikmuraan ko. Agad kong tinakpan ng tape ang bibig nito at dinala sa bakuran ng bahay nila.
Pumasok ulit ako sa bahay ng pamilya nila at tinungo ang silid ng magulang niya, hindi ako nahirapang patulugin sila gamit ang panyo kong may pampatulog at agad kong binuhat sila ng sabay tungo'ng bakuran.
» CONTINUE «
YOU ARE READING
Demon's prey (Completed)
Short StoryKezzaiah, a woman who finds comfort in killing.