» CONTINUATION «Still, Kezzaiah's point of view
Ibinagsak ko ang dalawa sa tabi ng anak nilang babae at saka ko nilagyan ng tape ang bibig, paa, at kamay ng tatlo at bumalik sa loob ng bahay. Dumeretso ako sa kuwarto ng gagong Jeffrey na yun. Binuksan ko ng mabagal ang pinto ng kuwarto niya, nang tuluyan na itong mabukas napansin ko agad na walang tao sa kama.
Lilingon na sana ako nang may humampas sa likod ko, pero hindi ako natinag. Nilingon ko kung saan nanggaling ang nanghampas sa'kin at agad kong nakita si Jeffrey na may hawak na baseball bat. Halata sa mukha niya na takot na takot siya, napangisi ako.
"Bwahahahaha" tuluyan na akong tumawa, tawang nakakaloko. Sa tawa kong yun, lalong bumakas sa mukha ni Jeffrey ang takot. Hahampasin niya na sana ako ulit pero naka-ilag ako, hinawakan ko ang kamay niya at umikot papalapit sa kaniya at saka ko siya sinuntok sa tiyan.
Napa-upo siya sa kama niya dahil sa sakit ng pagkakasuntok ko, agad niya ring nabitawan ang baseball bat na hawak niya. Lumapit ako sa gawi niya, tatayo na sana siya nang bigla ko siya sinapak, agad namang nawalan ng malay ang gago. Kaya binuhat ko siya papunta sa bakuran para gawin ang plano ko.
Pagdating ko sa labas ng bahay nila, nakita kong gising na pala ang tatlo at saka ko ibinagsak si Jeffrey sa tabi nila. Ngayon, ngayon na ang panahon ko. Ito na ang pinakahihintay ko, ang patayin ang pamilya nila.
» CONTINUE «
YOU ARE READING
Demon's prey (Completed)
Short StoryKezzaiah, a woman who finds comfort in killing.