» CONTINUATION «
Third person's point of view
Habol ang hininga, nahihirapang tumakbo, habang tinatahak ang masukal na kagubatan. Iyan ngayon si Jeffrey, takot na takot.
Takot na baka hindi na siya maabutan ng sinag ng araw. Gusto niya pang mabuhay, gusto niyang ipaghiganti ang nangyari sa kaniyang pamilya. Ngunit paano niya na maisasakatuparan ang nais niya kung hinahabol na siya ng kamatayan?
Unti-unting humina ang pagtakbo niya sa kadahilanang sumasakit pa rin ang mga paa nito, at dala na rin ng pagod, hanggang sa tuluyan na itong nadapa. May nakita siyang malaking puno, gumapang siya para magtago sa punong iyon.
•••••
Dahan-dahan kung lumakad, nakangising tinatahak ang kagubatan, habang hawak ang bakal.
"Jeffrey magpakita ka, HAHAHAHAHA" parang baliw kung magsalita si Zaih, lalo na ang nakakasindak na halakhak nito.
"HAHAHAHA, Yohooooo! Gusto mong maglaro tayo?" ika niya ulit.
"Sige maglaro tayo ng tagu-taguan, ako ang taya, kapag nahanap kita HAHAHAHA, secret ko na yun" muling sambit nito.
Takot, kaba, galit, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Jeffrey habang nagtatago pa rin sa puno. Tanggap niya na ang magiging kapalaran niya pero nanaig pa rin ang galit, at nais na maghiganti.
Rinig na rinig niya mula sa di kalayuan ang mga sinabi ni Zaih, nais niya sanang tumakbo pero naisip niyang mapapadali ang pagkamatay niya kung lalabas siya sa pinag-tataguan niya.
Sa kabilang dako, papalapit na si Zaih sa punong pinagtataguan ni Jeffrey. Kaunting hakbang na lang at matutonton niya na ito.
"Naging bakla ka na ba huh, Jeffrey?" pagsasalita nito, "Bakit parang natatakot ka atang harapin ako? HAHAHAHAHA" Hagikhik ni Zaih.
Unti-unting hakbang ang ginawa ni Zaih, hanggang sa...
Isang malakas na tunog ng pagbagsak ang umalingawngaw sa lugar na iyon, kasabay ng malakas na tunog ay ang pagkabulagta ng katawan ni Zaih sa harapan ni Jeffrey.» CONTINUE «
YOU ARE READING
Demon's prey (Completed)
Historia CortaKezzaiah, a woman who finds comfort in killing.