Chapter 5: Accidentaly Meet
Jane's Point of view
Tumakbo ako nang tumakbo haggang sa di'ko na alam kung saan ako papunta.
"Ouch!" sabi ko.
Dahil sa lakas ng pagkakbangga namin, nalaglag 'yong cap at shades ko at napaupo sa damo. Napalingon ako sa paligid ko. Nasa garsen na pala ako.
"Sorry, Ate! Hindi kasi ako nakatingin sa daan e. Sorry talaga!"sabi niya at binigay niya yong cap at shades ko.
Nilahad niya yong kamay niya para tulungan aking makatayo at tinanggap ko naman iyon. Nang makatayo na ako, tumingin ako s kanya.
"Ja-jane?!"
"ZEIN?! Sabay kamung nagsaluta.
Pag sinuswerte ka nga naman.
"Dito ka nag-aaral?!"gulat na tanong ko nang makita ko ang suot niyang uniform.
Kailan pa siya lumipat? At bakit siya lumipat? Siya pang ba ang nandito? Maraming tanong ang gumulo sa isip ko pero tinikom ko ang bibig ko.
Hindi siya sumagot at basta-basta na lang akong niyakap ng mahigpit.
"Kailan ka pa bumalik?! Bakit di mo sinabi sa'min Bruha ka! Miss na miss na kita!"
Halata sa boses niyang nagtatampo siya. Tumawa ako at niyakap siya pabalik. Ilang sandali ay bumitiw na ako sa yakap.
"At oo pala, dito na ako nag-aaral. Teka hindi mo pa sinasagot yong tanong ko. Kailan ka pa bumalik?"sabi ni Zein.
Nagsimula na kaming maglakad-lakad. Mabuti na lang at konti lang ang tao dito sa garden, kung hindi patay na.
"Talaga? Nung Saturday lang ako umuwi, Sorry di'ko na kayo nasabihan. Busy kasi e" sabi ko at ginagat ang labi ko. I lied.
Talagang wala akong balak na sabihan sila na umuwi ako. Dapat ay matagal pa ako mag papakita sa kanila; dapat ay hindi ganito. Kaso ang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita kami agad ni Zein.
"Kahit na nagtatampo ako sa'yo e ipagpapaliban ko muna iyon. Tara at puntahan natin ang Barkada."masayang sabi niya habang pumapalakpak.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Huh? Hindi pwede! Uhmm...sige, Zein, kailangan ko nang umalis."
"Anong aalis? Hoy! Hindi yan pwede."
Hinila niya ako papunta do'n sa loob ng building pero nagpumiglas ako.
"Zein! Hindi pwede talaga"mariing sabi ko kaya napahinto siya.
Tinignan niya ako at tinaasan ako ng kilay. Alam ko na ang mga mangyayari pag ganito siya. I sighed ang I gave up.
"Okay, I will tell you everything. Tara, umalis na tayo dito"
This time, ako naman ang humila sa kanya at siya naman ang nagpumiglas.