Chapter 3: The Mysterious Mr. Gomburza

34 0 0
                                    

Isang napakalakas na ingay ang narinig ko sa alarm clock at na nagpagising sa akin.

Anong oras na ba?

Napadilat ako at ang unang nakita ko ay ang ceiling ng aking kwarto. Napatayo ako sa gulat ng makita ko ang sarili kong natutulog sa kwarto ko.


May kumatok na tatlong beses sa pinto ng kwarto at bumungad sa akin si Celestina, ang nagmamay-ari ng coffee shop na tinatrabahuan ko at ang nagpatuloy sa akin sa bahay niya. "Oh, ba't gulat na gulat ka ng makita ako?" tanong niya saka napangiti. "May ginawa ka bang dapat di ko makita?" I shook my head. "Bakit nandito ako sa kwarto ko natutulog?"

Napatulala siya ng ilang segundo saka tumawa. "kasi dyan ka natutulog, ipinatuloy kita dito. Bakit mo iyan naitanong? Nabagok ba ulo mo?" lumapit siya sa akin at sinuri ang ulo ko kong may sugat ba o wala.

"That's not what I mean, I excuse myself because I have something urgent to do at dapat bukas pa ako uuwi." nagtataka na talaga ako, diba nasa mansion lang ako ni Zedrick?

"Malay ko, basta kagabi ang ingay mong maglakad papunta sa kwarto mo. Pupuntahan nga sana kita kung ayos ka lang ba kasi para kang lasing base sa mga yapak mo na narinig ko kagabi." I am now completely confused, did he sent me home? Gusto kong malaman kong hinatid niya ba ako at kung oo man, does it mean that he knows where I live?

"pwede ko bang makita ang CCTV footages kagabi?" I said out of the blue, napa-face palm naman siya. "Naku, in-off ko yung CCTV camera nang mula nong may mga tanod na bumabantay malapit sa atin. Kampante naman ako na hindi tayo nanakawin at syempre para makatipid din ng kuryente." there's no chances that I might see what happened last night.

I have to replay what happened last night.


Nasa auction ako, tapos sa office, at sa kotse, sa mansion nya, then sa kwarto.

Now I remember everything, we drink coffee last night and then I slept. Malakas ang kutob ko na may hinalo siya sa kapeng ininom ko. I shoudn't have drink that coffee he offered in the first place. Nagsisi tuloy ako.

"Magbihis ka na." aniya. "Male-late ka ng 15 minutes." tumango ako at naligo na para hindi mahuli. Sinubukan kong magfocus na lang kaysan sa problemahin ko. Pero paano ang pera?

Namilog ang aking mata.

Agad kong kinuha ang phone ko upang tawagan sana si Miss Ursula ng makita kong may nagtext na numero sa phone.





FROM: 1287

P53,000,000,00 WAS TRANSACTED TO YOUR ACCOUNT.






It was real afterall, at kung hindi man, patay ako nito. Lingid sa kaalaman kong malaki talaga ang pera na ito, hindi ko alam kung ano ang gagawin nito. Pagkatapos kung maligo, magbihis at lahat-lahat ay bumaba na ako at naabutan ko si Ate Celestina. Sasabayan ko sana siyang mag-almusal pero nagmamadali na ako. "Celestina."


"hmm?"


"May pabor sana ako."


"What is it?" ibinigay ko sa kaniya ang card ko sa kanya na ikinahinto niya sa pagkain. "pwede po bang kayo po ang magbayad sa tuition ko through paying it online?" Nagtaka siya habang tinitingnan ako. "I promise, if you'll do that, bibigyan kita ng pera. Kumuha ka lang ng higit sa gusto mo." tumawa siya.

"AHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH!!! Ano ka ba, Amalia? Huwag ka ngang magpatawa." aniya sabay hampas sa braso ko. "Sige, ako na bahala pero yung payagan mo ako kumuha ng pera sa account mo? Hindi. Ipon mo iyan. Pinatira nga kita dito ng libre, eh."




One Night with the StrangerWhere stories live. Discover now