Kabanata 4

184 76 37
                                    


My Crazy Guadian Angel

Written by; ShamieDove

"Heavenly... huy gising na Heavenly may taong nag hihintay sayo sa baba kanina pa." Dinig kong sabi ng pamilyar na boses at boses 'yon ni Cairo. Hindi ako umimik dahil inaantok pa ako. Bwesit na anghel 'to pampasira ng panag-inip,batukan ko kaya 'to. "Huy!"halos yugyugin na ako ni Cairo para lang magising, but actually gising naman na ako eh tinatamad lang talaga akong magmulat at bumangon. "Hayst!tulo pa ang laway mo. Hahaha nakakatawa." Parang pang aasar ang dating sa'ken ng sinabi niya. At dun palang sa sinabi  niyang 'yon ako nabuhayan ng diwa.

Bumangon ako at agad na humarap sa salamin,nasagi ko pa nga si Cairo pero wala akong pake. Gulo-gulo ang buhok,may panis na laway pa at halos lumuha na ang mata. 'Yan ang nakita kong itsura ko pag harap ko sa salamin.

"Sino ba yung nag hahanap sa'ken ha?" Tanong ko kay Cairo habang tamad na nagtungo sa banyo. Sa totoo lang ay wala akong ganang gumising sa araw na ito pero mukhang hindi iyon maaari.

"Hindi ko kilala eh. At tsaka bakit sa'ken mo pa itatanong? Pwede namang bumaba ka dun at silipin mo. Wag kang tamad." wtf?! Nairita ako sa sinabing yun ni Cairo. Agad akong lumabas at binato ng tuwalya si Cairo bago muling pumasok sa banyo at agad na naligo. Bwesit na anghel talaga yun, anghel ba talaga 'yon?

After kong maligo ay nag ayos agad ako tsaka lumabas ng kwarto. Pagkagaling ko kaseng cr ay wala na si Cairo sa kwarto ko at kung nasaan man siya ay wala akong pakealam. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si manang.

"Oh ija gising ka na pala. Ang sabi ni Cairo ay ayaw mo daw lumabas ng kwarto dahil may LBM ka daw." Sabi ni manang at napa 'wtf' nanaman ako dun. Feeling ko nag uusok na ang ilong ko sa inis,ay hindi lang pala inis kundi galit. grrr! humanda saken 'yang  Cairo na yan. "Eh ano,okay ka na ba ija?" muling tanong ni manang.

"Ah opo,eh sino po ba yung nag hihintay daw sa'ken." Tanong ko naman dahil mula kanina ay hindi ko pa alam kung sino ang nag hihintay sa'ken kase 'di man lang sinabi ni Cairo.

"Ahmm... Yung kasintahan mo ija." K-kasintahan?! "Si Bryle po ba ang tinutukoy niyo?"  Aba syempre naman dahil wala naman akong ibang boyfriend. "Ay oo siya nga, andun sa baba at kanina ka pa hinihintay. Balak ka ngang gisingin eh kaso nag presenta si Cairo na siya na lang daw ang gigising sayo." Paliwanag ni manang at tinanguhan ko na lang siya.

Agad akong pumunta sa baba at nadatnan ko dun si tita Crell na kausap si Bryle. Bumaling ang tingin saken ni Bryle ng mapansing papalapit ako sa kanila,at lumingon nadin si tita Crell.

"What are you doing here?" Mukhang nagulat ang ekspresyon nilang dalawa sa tanong ko.

"Are you mad at me babe?" Tanong ni Bryle na ikinakunot naman ng nuo ko. Bakit ganyan siya ngayon,hindi naman babe ang tawag niya sa'ken.

"Ah maiwan ko muna kayo." Tumayo si tita Crell at bahagyang lumapit sa'kin at bumulong. "Umayos ka,kanina pa nag hihintay sayo 'yan." Tsaka tuluyang umalis at kaming dalawa na lang ni Bryle ang naiwan. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Hindi ka man lang nag sabi sa'ken nung  umalis ka,at ngayon wala ka ring balak sabihin sa'ken na andito ka na?!" Hindi niya ako masigawan dahil nandito siya sa pamamahay ko. "What's wrong with you Heavenly?tell me."

"This fucking relationship!" Naningkit ang mga mata niya sa sagot ko. This relationship is damn wrong.

"W-what did you say?" Nauutal na tanong niya ,na para bang apektado siya sa mga salitang binitawan ko. Eh wala nga siyang pake sa relasyon namen,tapos ganito pa siya kung maka react.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Crazy Guardian Angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon