Simula

350 108 50
                                    

My Crazy Guardian Angel

Prologue;

"Hayst grabe! Naka drugs ka ba?!" inis kong sabi sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harap ko habang ako ay nakaupo at nakasandal sa puno.

"Hindi 'noh! Bawal kaya 'yon saamin," kontra naman niya at napailing na lang ako, umupo ito sa harap ko. "Bakit ba ayaw mong maniwala na anghel ako?" Yan ang problema namen ngayon, pinagpipilitan niya na angel daw siya tapos binabantayan niya ako.

"Eh hindi naman kase totoo ang mga angel eh, haka haka lang 'yon at mga bata lang ang naniniwala do'n." Napakunot naman ang noo niya at linapit ng kunti ang mukha niya saakin.

"Papatunayan ko sayo na anghel ako Heavenly," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kilala niya ako?

"Oo Heavenly, I know you kase nga ako ang guardian angel mo," nakangiti niyang sabi saakin pero hindi ako sumagot. Nababasa niya ang nasa isip ko?

Mabilis akong tumayo at tinalikuran siya. Ayaw ko ng marinig pa ang mga kalokohan niya, at wala rin akong pake kung kilala niya ako. Malay ko stalker ko siya diba.

"I'm not." Napahinto ako ng marinig 'yon. "Ako nga kase ang guardian angel mo... At ikaw ang misyon ko," dahan dahan akong humarap sa kanya pero wala na siya. Nasaan na 'yon?

"At ikaw ang misyon ko."

"At ikaw ang misyon ko."

"At ikaw ang misyon ko."

Paulit-ulit ito sa utak ko. Bakit? Anong misyon?

~•~•~•~

This story is written by _ShamieDove__

ShamieDove

My Crazy Guardian Angel (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon