"Belle punta na tayo sa canteen gutom na ko" pacute na aya ni Tori. My friend.
"Meron kayang soy garlic chicken ngayon?" Tanong ko habang nililigpit ang gamit ko.
"Di ko alam pero nakakagutom yung topic natin sa RIPH. Isipin mo tatlong oras tayong nakikinig tungkol sa history. Ang boring. Nakakaantok" reklamo pa niya habang naglalakad kami palabas nang room.
Unti nalang tao sa room namin dahil lunch time na kaya madaming tao sa canteen for sure.
"Alam mo okay na yang RIPH kesa sa CFAS natin dun dumudugo utak ko."
Nang makarating kami sa canteen bumili agad kami nang pagkain namin at dumiretso na sa gazebo dahil crowded na yung canteen.
"Sinabi mo pa! Isipin mo ang sabi niyang basahin chapter 1 pero yubg tanong niya chapter 3 agad. Anong alam ko dun?" Gigil na sabi niya nang makahanap kami nang pwesto.
"First year palang tayo pero sobrang hirap na what more kung mag 3rd year tayo?"
"Kung magtethird year pa tayo. Baka eto pa pumatay sakin e." Sabi niya sabay kagat nang buffalo chicken niya.
"Atleast ikaw may jowa ka. May time ka magsaya. E ako? Wala na ngang jowa. Wala pa maski fling lang!" yun talaga hindi ko ma-gets e. Hindi naman ako pangit or masama ang ugali para walang magkagusto sakin no.
"Haynako! Atleast ikaw di ka mabrobroken pag nagbreak kayo or pag nag aaway kayo" dyan! Dyan siya magaling porke may jowa siya lagi niyang sinasabi na wag ako magjowa kasi sakit nang ulo.
Pero na iinggit ako sa point na pag birthday niya may suprise or pag valentines may date or kaya pag may free time sila pwede silang magdate. E ako?
Lagi lang nasa bahay. Pag namamall naman ako its either siya ang kasama ko or ako lang mag isa. Pag Valentines walang Date! Pag birthday walang Suprise! Pagfree time ko nasa bahay lang manunuod nang tv! Parang walang fun na nangyayari sa buhay ko.
"Halika na magtatime na" aya niya.
Nang malapit na kami sa room. Naririnig ko yung mga sigawan nang classmate ko.
Anong meron?
"WAAAAAH! KINIKILIG AKO"
"SANA ALLLLLL!
"INGGIT AKO!"
Nang pagkapasok namin sa room automatic na nasilingunan samin yung mga classmate ko. Tsaka sila tumili ulit.
"Belle baka naman"
"Ikaw Belle ah!"
"Sana all Belle"
Nakakunot lang ang noo ko dahil di ko sila gets. Mas sakit ba sila or nantritrip lang sila?
"OHMOOO! Belle malandi ka ah!" sigaw sakin ni Tori na nasa upuan na namin.
"Pinagsasabi ah?" sagot ko habang papalapit sa upuan ko.
Wait!
Bakit may rose sa upuan ko?
"Kanino yan?" naguguluhan kong tanong.
"May letter basahin mo!" sigaw nang isa ko pang classmate. Agad ko ring kinuha yung papel sa ilalim nang rosas.
"Hi! I just want to say your name suits u! You truly are beautiful."♡
-L
BINABASA MO ANG
Close To Me
RomanceNicole Belle Salceda, a college student na walang thrill ang buhay pero dahil sa isang admirer nagbago ang lahat.