Chapter 11

5 1 0
                                    

Lance Kim

Para akong nilamig sa narinig ko.
Si L nasa harap ko ngayon. Ngayong kakatapos ko lang umiiyak dahil sa Ex ko. I'm sure I look like a mess.

"Wait kilala mo na si L" gulat na sabi ni Tori habang hinihintay namin yung prof namin dito sa room.

"Nasa labas siya nang unit ko kagabi."

"So, ano gwapo ba? Anong itsura?" Maligalig niyang mga tanong.

Bakit ngayon masaya siya na nakita ko na si L pero ako wala akong nararamdaman?

"Belle okay ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko, si Chantal.

Tumango lang ako at nginitian siya. Ayoko naman maapektuhan ulit nang dahil kay Kaiden. Nasa past na siya totoo man o hindi ang sinabi niya nasa past na ang lahat nang yun. At nasaktan na ko.

"Hindi ka ba masaya na kilala mo na si L?" mahinang bulong ni Tori.

Hindi ko alam.

"Nag usap kami ni Kaiden kagabi"

"Anong pinag usapan niyo?" Medyo gulat pa siya sa sinabi ko.

Sinabi ko sakanya na hindi si Kaiden yung tatay pati about sa drugs. Mga bagay na mahirap paniwalaan.

"Umiiyak ka?" Ngumiti lang ako nang unti at tumango. "Mahal mo pa siguro siya. At tingin ko mahal ka pa rin niya Belle."

"Hindi ko alam. Pag nakikita ko si Kaiden naaalala ko yung pangloloko na ginawa niya sakin. Pero pag si L kausap ko parang nawawala yung problema ko... sumasaya ako pagkausap ko siya"

Malinaw sakin na mahal ko pa si Kaiden. Alam ko umaasa pa rin ako na kami hanggang dulo pero si L. Gusto ko siya. Masaya ako pagkausap ko siya.

"Ganito try mo munang linawin ang issue niyo ni Kaiden. Para just incase na mas gusto mo si L wala ka nang bagahe galing sa past. You need to be free." Niyakap niya ko para icomfort.

Siguro kailangan kong tanggapin yung nangyari samin ni Kaiden para makamove on na talaga ako. I need to move forward para sumaya na talaga ako.

Paglabas namin sa room nandun si L. May hawak siyang paper bag. Tapos nakatingin lang siya sa phone niya.

"L" tawag ko. Agad niyang binaba yung phone niya at nginitian niya ko.

"Hi"

"Kanina ka pa?" Tanong ko nang makalapit sakanya.

"It doesn't matter." Nginitian lang niya ko. "Kain na tayo. Nagluto ako" tsaka niya tinaas ang dala niyang paper bag.

"Magpaalam lang ako kay Tori" bumalik ako sa room at nagpaalam kay Tori. May meeting pa sila kaya di kami sabay ngayon.

"Let's go" tahimik lang kami papunta sa gazebo.

"I hope magusto mo 'to first time kong lutuin 'to e" tsaka niya nilabas yung niluto niya.

It's sinigang na baboy.

"Let's see" pang asar ko pa sakanya at tumikim nang sinigang.

Not bad for first timer. Hindu nga lang sobrang maasim tulad nang gusto ko pero pwede na.

"Not bad" nginitian ko lang siya at nagsimula na kaming kumain.

"Thank you sa pagsama sakin ngayon" sabi niya kaya napatigil ako sa pagkain.

It feels good to talk to him. Lalo na ngayon harap harapan na kami nag uusap di tulad dati na puro phone lang.

"Can I ask?" Tanong ko.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon