Chapter 2

4 1 0
                                    


Ex Boyfriend

OMO! Agad kong sinave yung number niya atsaka siya rineplyan.

To: L
Sino ka ba? At bat mo ko pinagtritripan?

From: L
Una sa lahat hindi kita pinagtritripan. At wag kang mag alala magpapakilala naman ako sayo pag handa na ko.

To: L
Pano ako makakasigurado na hindi mo ko pinagtritripan at hindi kita classmate?

From: L
May nakakaalam ba nang number mo, na classmate mo?

Oo nga no? Walang may alam nang number ko maliban kay Tori. Di rin naman nun ako pagtritripan dahil lagi kaming magkasama. At kaibigan ko siya.

To: L
Sino ka ba talaga?

From: L
Soon!

Di ko na siya nireplyan dahil sa totoo lang di ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya.

Agad ako nag bukas nang facebook ko para ichat si Tori.

Victoria Celeste
active now


Belle: babae may pinagbigyan ka ba nang number ko?

Victoria: Wala. Bakit?

Belle: e kasi nagtext sakin yung L

Victoria: JINJA?! anong sabi?

Belle: wala naman

Victoria: common spill the tea

Belle: sinabi lang niya na di niya pinagtritripan. At di natin siya classmate.

Victoria: Sino kaya yang L na yan?

Belle: yun ang aalamin natin. Pero sa ngayon. Kakain na ko brb.

Agad akong nag off nung matapos akong magsaing. Dahil di naman ako marunong maluto ay bumili lang ako sa labas nang lutong ulam kanina nung pauwi ako.

Nang matapos akong kumain ay naligo nako at ginawa ko na ang skin care routine ko. Tsaka ako natulog.

This day have been a long day.

Late na ko gumising pero okay lang dahil wala naman akong pasok ngayon.

Ginawa ko muna ang morning routine ko bago lumbas nang apartment ko. Maggrogrocery ako ngayon dahil ubos na mga stocks ko.

Nakasuot lang ako nang white croptop shirt and boyfriend jeans partner with black rubber shoes.

Nang nasa super market na ko puro delata at mga easy to cook or frozen food lang ang mga kinuha ko tsaka mga chips. Bukod sa maagsaing ay prito lang ang kaya kong gawin.


"Yan ba talaga mga bibilhin mo?" Napalingon ako sa likod ko dahil sa bigla may nagsalita.


Pagkalingon may lalaking nasa 5'7 ang height naka white t-shirt siya tapos naka black na jogger pants at naka suot nang basic fit ball cap. Di ko makita yung mukha niya dahil naka yuko siya.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon