Chapter 1

6 1 0
                                    

Secret Admirer

"Kanino galing?" Yun agad ang tanong nilang lahat.

"L lang yung nakasulat" lutang kong sagot.

Imposible naman yung mga boys namin dito sa room. E sasampu na nga lang sila puro pa sila may jowa o kaya lalaki rin yung hanap. Kay imposible.

"Wait lang! Baka naman sainyo galing pinagtritripan niyo lang ako?" kasi imposible ang boy kaya yung mga girls baka pinagtritripan ako.

"Belle! Kung bibili ako nang rosa sisiguraduhin kong may pangload muna ako para makapagml" sagot ni Zaina, classmate ko.

"Oo nga! Sa daming pinapabili nang book tsaka sa mga print di na namin afford bumili nang rose para mangtrip lang no." sagot pa nung isa ko pang classmate.

"Kung di niyo ko pinagtritripan, edi sino gagawa nito?" naguguluhan kong tanong.

"Aba malay namin Belle! Umupo kana dahil parating na si Sir Cruz for sure" sagot ni Tori.

Agad akong umupo sa upuan ko at ganun din yung iba ko pang classmate. Tama si Tori dahil pagkaupo namin ay siyang pagpasok ni Sir Cruz.

Nagsimula na siyang magturo pero walang pumapasok sa utak ko. Sino kaya magbibigay sakin nang bulaklak? Wala naman akong manliligaw sa pagkakaalam ko.

Imposible na rin yung mga classmate ko dahil kuripot yung mga yun. Di nila ako pag gagastusan.

Natapos na ang lecture ni Sir Cruz wala man lang pumasok sa utak ko maski isang word.

"Kanina ka pa lutang. Buti di ka napansin ni Sir Cruz kung hindi yari ka dun" puna sakin ni Tori habang palabas kami nang room dahil kailangan na naming lumipat nang building.

"Di ko talaga gets kung sino nang bigay sakin neto. Imagine kanina lang nagrereklamo ako sayo about sa pagiging single ko tapos ngayon may pa rose na agad" di ko makapaniwalang sabi sakanya.

"Alam mo wag mo munang isipin yan. Isipin mo yung report mo mamaya sa Eco natin" pagpapaalala niya.

"Isa pa yun! Feeling ko nakalimutan ko yung report dahil sa L na yan!" tinawanan lang ako ni Tori at saka kami umupo sa upuan namin.

Agad kong nilabas yung 1/2 index ko. Dun ko kasi sinulat yung pinakasummary nang report ko.

"Good Afternoon! Maam Reyes" bati namin at sabay sabay na umupo.

"Magsimula na yung mga reporter"

Agad akong pumunta sa harap kasama yung mga kagroup ko. Ako ang mauuna dahil nabunot ko yung unang part nang report namin which is more on words kesa sa iba kong kagroup na puro graphs.

"Good Afternoon! I'm Nicole Belle Salceda of group 4 and where going to tackle about Market Structures And Price" panimula ko.

One thing about my classmates hindi sila nakikinig kaya nawawala medyo yung nerbyos ko nung nasa harap na ko.

Pero mali pala ako dahil bigla na lang silang nagtatanong tungkol sa report. Nang matapos ako magreport pagod pagod akong umupo na upuan.

"Grabe girl para pinagtulungan ka nila" komento ni Chantal ka group ko.

"Hayaan mo sila atleast natuwa si maam nakinig sila baka taasan score ko" sagot ko sakanya tsaka uminom nang tubig.

Nang matapos ang group namin na magreport ay agad na tumayo si Maam Reyes sa harap.

"Miss Salceda congrats at napakaganda nang report mo. Nagparticipate halos lahat nang classmates mo ganun din sa iba mong ka groups" masayang sabi niya.

Usually kasi talaga walang nakikinig samin. Kahit naman ako hindi nakikinig madalas sa mga reporters e.

Nang palabas na ako nang room. Dahil kailangan ko pang pumunta sa mall para bumili sa ballpen tsaka nang Journal at Ledger ko para sa Accounting namin bukas.

"Belle!" tawag sakin ni Carl, classmate ko.

"Bakit?"

"Uhm... sorry kanina kung tanong ako nang tanong ah. Bwisit lang talaga ako kay Maam Cruz kasi lagi niya tayong sinasabihan na di tayo bagay sa course natin dahil di tayo nag aaral nang mabuti" nahihiya niyang sabi. Kaya pala sobrang dami niyang tanong sakin kanina. Akala ko talaga ginigisa nila ako sa harap.

"Okay lang. Atleast mataas score ko. Kaya Thank u!" masaya kong sabi. Dahil totoo naman kung di sila nagtanong di tataas score ko sa reporting.  "Sige una na ko"

Umalis na ko tsaka nilapit si Tori para sabay na kami palabas nang score.

"Anong sabi ni Carl?" curious na tanong habang pababa kami sa hagdan.

"Nagsorry lang kasi nga ang dami niyang tanong kanina diba?"

"What if siya si L?" agad akong napatigil sa tanong niyo. Imposible.

"Baliw ka ba? May jowa yun so bakit niya ako bibigyan?" minsan talaga kung ano anong iniisip nitong si Tori.

"Oo nga noh? Pero sino kaya siya? Bakit di siya nagpakilala?"

Bakit nga ba?

"Hindi ko alam. Baka hindi pa siya ready or nantritrip lang siya? I dunno!" sagot ko.

"Bye na! Bibili pa ko nang Journal tsaka Ledger" sabi ko.

"Pasabay!" rinig kong sabi niya kaya nang okay sign lang ako dahil nalalakad na ko.

Malapit lang naman yung mall sa school. Mga 20 minutes walk lang. Kesa mag jeep ako traffic din naman.

Sino kaya pwede naging si L? Sure na kong wala sa room. Pero wala naman akong close or kilala na boy sa ibang section or sa ibang course.

Nang makarating ako sa mall ay agad ako pumuntang bookstore para bumili nang kailangan ko nagsabay narin ako nang fixtion pen just in case kailanganin ko.

Umuwi rin agad ako dahil wala naman akong gagawin sa mall mag isa. Ang awkward pa naman para sakin magmall mag isa unless may kailangan akong bilhin.

Nang makarating ako sa apartment ko ay agad kong humiga sa kama. Dahil pagod talaga ko. Mag isa lang din ako dito sa apartment ko dahil parehas ofw yung parents ko at nasa province naman yung mga kapatid ko.

Habang nakahiga ako ay naramdaman kong tumunog yung phone ko.

1 message

From: 09*********

Hi! Nagustuhan mo ba yung rose? This is L anyway. And I'm ur secret admirer.

Close To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon