13

11 4 2
                                    

"What??? Ate nida naman. Binigay na nga ni Papa ung company sa kanya pati ba naman yung iyo. Nahihibang kana ba? Hindi na nakapag timpi si kuya Aldrin edi kunin niya hanep siya.

" Ayos yan Nida. Sumang- ayon pa nga si papa. Tinapos ko na lang ung pagkain ko.

" I'm done. Yumuko pa ko sa kanila at dumeretso sa opisina ko. At tinapos rin ang dapat kong gawin sa opisina Acting CEO muna ko habang di pa ko gumagraduate.

"Jane ano?. Pati ba naman yung kay Ate nida kukunin ko.

" Ang tanung kinuha ko ba???. Ang bobo naman ng kuya ko bibigay pa nga lang eh.

"Anak ng ano ba jane, pag napunta na sayo un bigay mo na sakin ung kay papa.

" Okay sana kung hindi ma bankrupt un.
Sabay ngisi ko sa kanya. Dahil kahit ako ayoko rin ipagtiwala sa kanya

"Diba KUYA nagpatayo ka ng business ano na bankrupt pa and ano muntik ka ng makulong. Nakatayo na siya sa harap ko kaya lumapit ako sa kanya. Nag sisigawan na kami eh.

" Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Sabay sampal niya sa akin at umalis na siya sa opisina ko. Napaluha na lang ako Kaya pag balik ko sa pwesto ko ay kumatok si manang.

" May bisita ka anak. Nasa sala siya". At lumabas ako sa opisina ko pinunasan ko ung luha ko.

"Manang, narinig ba niya??. Sabay tingin ko kay Gray.

" Don't worry anak malakas ung tv.

"Manang paki punta na po siya sa opisina ko magaayos lang po ako. Ngumiti pa ko kay Gray at pumunta na ako kwarto ko. Nagsuot lang ako ng simpleng pambahay.

Pagpunta ko sa opisina ko pinagmamasdan niya ung mga picture ko nung Graduation ng Kinder, nung elem hanggang Senior high si manang lang kasama ko. Dahil ung mga parents ko di naman pumupunta. "dahil diploma lang yan mas importante trabaho namin". Yan lagi sinasabi ng parents ko.

"Matunaw yang mga picture ko." sabay lapit ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba??. Sabay tingin niya sa akin.

" Oo naman. Sabay ngiti ko sa kanya kahit pilit lang.

"Tara date tayo. Sabay hawak niya sa kanang kamay ko.

" May pasok na tayo bukas. Mahirap na baka malayo mapuntahan namin.

"Hindi mo natanggap ung text ni Hazel sayo???.Halata nga basahin mo. Extend kami eh pero may iniwang gawain.

Tiningnan ko nga kung may text si hazel meron pala. Anak ng 2weeks?

Hazeline: Extend wala tayong pasok. See you sa Oct 15.

" Kakabasa ko lang tara, hinila ko na siya papuntang kusina kung nasaan si manang.

" Nay, ipag papaalam ko lang po si Gwyne kung pede kong ilabas.

"Sure iho, ingatan mo yan ahh. Sabay ngiti sa kanya ni manang.

" Una na kami manang. May pasalubong po ako pauwi. Sabay tapik ko ng balikat niya.

"Una na po kami nay.

" Oh sige iho ingat kayo. Ngiti sa amin ni manang. Paglabas namin ng kusina ay naabutan ko ung dalawa kong pamangkin.

"Sino siya tita?. Sabay punta sa harap namin ni gray si Dominick.

" Ah gray si Dominick nga pala. Dominick Tito Gray mo pinsan ng Tita Hazel mo. Pagpapakilala ko sa kanila.

Run (On-going) Where stories live. Discover now