Chapter 1: All About Me

37 5 23
                                    

Zaydile's POV

"Zyyyy!!" sigaw ng mama ko na nakapagpagising sa mahimbing kong tulog.

"Bakit po?!"

"Ika'y bumaba na riyan at tanghali na."

Tumingin ako sa cellphone ko at pagkakita ko ng oras ay napapikit ako sa inis, slight lang. Paano ba naman ang oras ay 7:30 ng umaga tapos tanghali na raw.

"Hay nako, si mama talaga." nagbuntong hininga na lamang ako at pumunta na sa banyo para maghilamos at magbawas ng likido sa katawan.

Pagkababa ko nakita ko si mama na naghahain. Habang ang kapatid ko namang lalaki ay nagcecellphone. Pumunta 'ko kay mama para tulungan siyang maghain at nang makakain na kami.

"Hoy, Lorence, kakain na. Tumayo ka na d'yan." sabi ko sa nakababata kong kapatid na lalaki. Habang nakain kami biglang nagsalita si mama.

"Kumusta ang eskwela, Lorence?" tanong ni mama.

"Medyo mahirap pero kakayanin naman po. Kaklase ko crush ko e." kinikilig pang tugon niya.

"'Nak ng patola." bulong ko dahil natatawa 'ko sa kanya.

"Hoy ate anong sabi mo? Minumura mo ba 'ko ha?"

"Wala, sabi ko ang landi mo."

"Landi agad, may crush lang e. Ganda nga ng pangalan niya, Coraline Ash Cabral." nagmamayabang ang tinig nito.

"'Di kayo bagay."

"Eto talaga 'di mo pa nga nakikilala e. Tsaka bagay kaya sa kanya apelyido natin. Tingnan mo buong pangalan ko Kian Lorence Vito. Tapos magiging pangalan niya Coraline Ash Vito, bagay!!" halata sa kan'ya na siya'y tuwang tuwa.

Hindi ko na siya sinagot at tahimik na din si mama. Pagkatapos naming mag umagahan pupunta ako sa mall para mamili ng iba kong gagamitin sa school. Sabado naman ngayon kaya free ang araw na 'to. Last month pa nagstart ang klase para sa school year 2017-2018.

Umakyat ako sa kwarto ko para maligo at mag ayos ng gagamiting damit. I'm wearing a simple skinny black jeans with white shirt na may logo ng TWICE sa likod, sa pinakataas. I'm also wearing white rubber shoes. Then nakaipit lang ang buhok ko dahil mainit sa labas.

Sumakay ako ng jeep papunta sa mall. Habang nasa b'yahe ay naiinis ako dahil traffic nanaman.

"Good Morning, Ma'am." bati sa 'kin ni kuya guard.

"Good Morning din po." bati ko rin sa kan'ya.

Pagpasok ko sa national bookstore kumuha na agad ako ng mga kakailanganin ko like folder, bond paper, ballpens, envelopes, highlighter at iba pa.

Nang mapadaan ako sa wattpad books ay tila nanlambot ako. Kaya naman halos abutin ako ng isang oras kakabasa sa mga libro doon. Pagkatapos kong magbayad ay pumunta ako sa Jollibee upang kumain. Alam ko kakakain ko lang pero gutom na ulit ako.

"Isa pong yumburger, spaghetti, fries, and pineapple juice po."

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa Quantum. Naglaro ako ng claw machine.

Who Are You?Where stories live. Discover now