Chapter 10: Preparation 3!

12 2 5
                                    

Zaydile's POV

Maraming araw ang lumipas na puro pag-eensayo lamang ang aming ginagawa. Ngunit kahit ilang araw ang dumaan naaalala ko pa din ang itsura ni Adeline, nakakaawa siya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil mugto ang kaniyang mga mata kahit wala pa namang isang oras ang pag-iyak niya.

Kinabukasan ay lunes na ibig sabihin ay foundation na namin. Hindi ko alam kung bakit kada sasayaw ako sa unahan ay kinakabahan pa din ako, tila bago ng bago. Ngayong araw ay magsisimba kami nina mama, Lorence, at Rhink. Yes, si Rhink kasama namin siya sa pagsimba. Kilala na si Rhink ni mama pero 'di ko pa siya sinasagot.

Alas-otso na nang makarating kami sa simbahan. Naunang maupo si mama, sinundan naman ito ni Lorence, ako at Rhink. Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang misa kaya naman lumabas na kami.

"Ah, 'nay, una na po kayo..may pupuntahan pa po kami ni Rhink. D'yan lang po kami sa may bayan." paalam ko kay mama. Sa totoo lang ay hindi alam ni Rhink na may pupuntahan kami kaya naman nang tumingin ako sa kaniya ay nagtataka na siya, nginitian ko na lamang ito.

"Osige, basta 'wag magpapagabi ha."

"Opooo, thank you po." sabay kaway ko sa kanilang dalawa. Hinila ko naman si Rhink sa sakayan ng jeep para makapunta na kami sa plinano kong destinasyon.

Nang makasakay na kami at makapagbayad ay nagtanong si Rhink. "Saan tayo pupunta? 'Di ko alam 'to ah..hmm," sabi nito sa'kin. "Gago, 'wag kang mag isip ng kung ano ano may bibilhin lang tayo." tugon ko dito, dahil parang may iba siyang iniisip.

Pagkababa namin ay dinala ko siya sa maraming nagtitinda ng mga palamuti sa katawan. Isang tindahan dito sa Calamba, Laguna na kung tawagin ay Tienda De Amor, sa tagalog ay Tindahan ng Pag-Ibig.

Lumapit kami sa mga nagtitinda ng bracelet at nagtingin-tingin. Mayamaya lamang ay may nakita akong blue and white string na bracelet.

"Ay, ija, kayo ba ay maggelpren-boypren?" tanong nito sa 'kin, napatulala naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Si ate naman kasi e nang hohotseat.

"Ah, papunta pa lang po do'n, bakit po?" sagot ko naman kay ate. Nilingon ko agad si ate dahil panigurado magtatanong si Rhink about sa sinabi ko. "Anong sabi mo?" sabi sa inyo e, magtatanong 'yan.

"Itong bracelet na 'to ay may malalim na ibig sabihin, para sa iba simpleng porselas lang. Sinisimbolo nito ang katapatan at pag ibig ng sinomang magsuot nito."

"Magkano po dito?" tanong ni Rhink.

"Bibilhin mo?"

"Ay, hindi, nanakawin ko." pamimilosopo nito sakin, nagmake face na lamang ako sa tapat niya.

"120 dalawa na, ano kukunin niyo?"

"Opo, salamat po." tugon ko dito sabay kaway.

Nag ikot-ikot pa kami ni Rhink sa pamilihan at nang mapagod ay pumunta kami sa bilihan ng mga ihaw at fishball, kumbaga street foods.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Rhink sa bahay. Hindi na kami nakapagkwentuhan pa dahil maggagabi na at delikado sa daan kapag ginabi si Rhink pauwi.

Pagkakain ng hapunan ay dumeretso na sa kwarto ko. Naligo muna bago nahiga sa kama. Habang nakahiga ako ay nagiimagine ako kung anong maaring mangyari bukas, paniguradong masaya 'yon.

Napakaraming palaro na posible kong salihan. Kaso habang nagmumuni muni ako bigla kong naisip si Adeline, nakakaawa kasi talaga siya e. Noon ko lang siya nakitang umiyak para siyang anghel.

Okay na kaya siya?

Pagkatapos ko magmuni muni ay kinuha ko ang telepono ko at pinatugtog ang sasayawin namin para sa opening. Grabe kasi talaga ang kaba ko. Feeling ko magkakamali ako bukas, nakakahiya.

One..two..three..four..

Habang nageensayo ako ay nakaramdam ako ng pagod at uhaw, kaya naman pumunta ako sa baba para kumuha ng maiinom.

"Ate, bakit ka pawisan? Ginawa mo?" tanong sa 'kin ni Lorence. Nagitla pa ako dahil hindi ko alam na nando'n pala siya.

"Nagpractice lang ako nung sasayawin namin para sa opening. Ikaw, bat nandito ka pa?" nakakapagtaka lang kasi at nandito siya pa. Kadalasan ay nakakulong siya sa kwarto kapag gabi na at nagsosoundtrip.

"May binabasa lang akong storg dito sa laptop. Ayoko muna sa kwarto kase baka makatulog ako." tugon niya, napataas naman ang aking kilay dahil sa pagtataka kung anong story binabasa niya.

"Ano bang title niyan?" sabay tabi ko sa kaniya para mabasa ito. "Why Can't It Be Me? Sinong author?" tanong ko at bigla naman itong ngumiti, parang timang amp.

"Si Cora," tugon niya animong kinikilig pa.

"Kaya naman pala, nice. Sabihin mo sa kaniya, tuloy niya lang. Lorence, akyat na 'ko." paalam ko sa kaniya at nagpatuloy na sa itaas.

Pagkahiga ko ay mas naramdaman ko ang pagod. Tumayo akong muli at pinatay ang ilaw, sinara ang pinto at kinuha ko ang aking telepono para magplay ng kanta.

Hindi kasi ako makatulog ng walang kanta e. :>

Pagkaplay ko ng kanta ay nahiga na akong muli at natulog na nang mahimbing at tahimik. ZzzzZzzZzzZzz

«KINABUKASAN»

*AaaaAaaaAaAaaaAa* alarm 'yan. Nirecord ko 'yung pagsigaw ko ginawa kong alarm para matic gising agad.

Foundatiooon naa, sobrang excited ako sa mangyayari mamaya. Kaya naman dumeretso na ako sa banyo para maligo. Ang suot ko ngayon ay skinny jeans at simple black shirt with my initial at the top of my back, ZMHV. 'Yung sapatos ko naman ay simple plain white rubber shoes with touch of gray and black. Kaya gan'to suot ko dahil mamaya ay magsasayaw kami at kailangan naka rubber shoes.

Pagkatapos ko manamit ay inayos ko na ang mga dadalhin ko dahil nalimutan ko 'to ayusin sapagkat pagod na pagod na 'ko. Una kong kinuha ang aking bag na paglalagyan ng suot namin para sa sayaw, towels, water, foods, my wallet, phone, suklay, at marami pang iba.

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si mama na naghahain na, lumapit naman ako dito para yumakap. "Good Morning, mama." bati ko rito. Tinaguan ko na lamang si Lorence dahil abala ito sa pagbabasa nanaman siguro.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa taas para magsipilyong muli. Habang nagsisipilyo ay napatingin ako sa aking kamay na may bracelet, 'yung binili namin ni Rhink kahapon.

Bumaba na ako nang matapos ang dapat tapusin at dumeretso na sa school. "Marreeee!!" tawag sa 'kin ni Rhink, napalingon naman ako rito at bigla akong niyakap.

Sana maging masaya ang araw na 'to, naeexcite na 'ko!! ヽ(^。^)ノ

A/N: Sorry sa napakalate na update. Nawawalan po ako ng gana magsulat ee, sorry. Nga pala, happy birthday, blaaazyy!! Labyuu, mwaa!! <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Are You?Where stories live. Discover now