Chapter 8: Preparation!

13 2 2
                                    

Zaydile's POV

Maraming araw ang dumaan at tungkol naman kay Rhink ay nagsimula na siyang manligaw sa akin. Minsan ay hatid, sundo ngunit kadalasan ay hindi dahil meron din naman siyang ibang ginagawa at payag naman ako don. Like duh, kahit maging kami na hahayaan ko lang siyang gawin kung anong gusto niya hangga't tama 'yon.

Nasa bahay ako ngayon dahil linggo kakatapos lang naming sumimba kaya nagpahinga muna ako. Sa susunod na linggo ay foundation day na kaya naman nagprapractice ang lahat. Naisipan kong sumali sa lahat ng palaro pero mas magaling ako sa outdoors dahil batang kalye ako noon, lahat nilalaro.

Naalala ko pa nung bata ako ay habang nagbebente uno kami ng mga pinsan ko ay nasa tabi ako ng kanal at pagbente uno niya sa'kin ay nahulog ako dito, halos nagswimming ako. Masasabi kong maganda ang childhood ko dahil naranasan ko ang gusto kong maranasan.

Kinabukasan, habang papasok ako sa eskwela ay nakita ko si Rhink na nag aantay sa may gate ng school, tinawag ko ito para sabay na kami.

"Rhink!" pagtawag ko dito. Nasanay na ako na kapag makikita ko siya ay ginugulo ko ang buhok niya dahil alagang alaga niya ito. Nung una ay naaasar siya ngunit nasanay na.

"Marreeee!"

"Anong ginagawa mo dito? May inaantay ka?"

"Meron kaso.." pabitin niya.

"Kaso?"

"Nandito na hehe, tara na. Alam kong corny ako kaya wag mo kong tingnan ng ganyan, kaja, kabuja!" sigaw nito. Natawa naman ako dahil ginagaya niya si Lee Jun Ki na napanood namin sa Waikiki.

(kaja/kabuja - let's go!)

Humabol naman ako sa kaniya, duh mabilis 'to tumakbo. Nang maabutan ko siya ay hingal na hingal na ako kaya naman binatukan ko ito.

"Bat ka ba natakbo? Napagod ako dun ah, hindi pa man nagsisimula ang practice ay pawisan na ako." singhal ko dito, sabay inom ng tubig.

"Edi nakapag warm up ka na, hehe." pang aasar nito. Dumating na ang mga teachers kaya pumunta na kami sa mga rooms na pageensayuhan namin. Si Adeline naman ay kasama ko sa dance club kaya naman madalas ay badtrip ako.

Pagkapunta namin sa dance club ay nag uusap na sila kaya naman naupo ako sa tabi ni Desiree, pinakaclose ko dito sa dance club. Nag uusap sila about sa sasayawin namin para sa opening.

"Suggest kayo ng mga sikat na kanta ngayon, mas maganda kung may sayaw na rin 'yon para hindi tayo mahihirapan mag isip ng steps." sabi ng leader namin.

"Hmm.. ayo gg!" biglang kanta ko patungkol sa grupo ng mga babae na tinawag na Girls' Generation, ang kanta ay pinamagatang I Got A Boy.

"Haha! Let me introduce myself! Here comes the trouble!" pagpatuloy ko sa pagkanta. Tinatawanan lang naman nila ako dahil alam nila na iniidolo ko talaga ang grupong iyon.

"So anong sasayawin natin? May idea ka ba, Adeline?" tanong ng leader namin dito, tiningnan ko naman siya.

"Third generation na lang, TWICE's Like Ooh Ahh, maganda 'yon." suggest nito, hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko rin ang kantang iyon. Kaya naman Like Ooh Ahh ang napagdesisyonan na sasayawin namin sa opening.

Who Are You?Where stories live. Discover now