Chapter 5: Sally

9 1 2
                                    

Natapos na ang morning class namin ay medyo badtrip pa din ako dahil sa animal na Adeline na 'yon. Hindi alam ng mga kaibigan ko na nagkasagutan kaming dalawa kaya naman umakto ako nang normal sa harapan nila.

Pababa na kami sa canteen nang mapansin namin na wala si Rhink sa likod.

"Si Rhink?" tanong ko sa kanilang dalawa kay Vanna at Kiel. Binigyan nila ako nang nanunuksong tingin kaya naman pinagtaasan ko sila ng kilay.

"First, bakit Rhink ang tawag mo kay Hayden? Hmm? Second, bakit mo siya hinahanap?" sabi ni Vanna, nang aasar ang tono nito.

"Gusto mo ba siya, ha?" tanong naman ni Kiel. Natatawa ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko alam ang sasabihin kaya tawa na lang.

"First, pangalan niya naman 'yon kaya pwede ko siyang tawaging ganon. Second, nagtaka lang ako, okay na kayo?" panggaya ko sa paraan ng pagtatanong nila.

"Hm, not satisfied, right?" sabi ni Vanna sabay tingin kay Kiel at tinanguan naman nito. Talaga naman at nagsanib pwersa pa ang dal'wang ito, iba den.

"Uulitin ko, gusto mo ba siya? It's a yes or no question, Zy. So answer us, please." sabi ni Kiel na abot tenga na ang ngiti at tila alam na ang aking isasagot kaya naman lumapit ako sa kanilang dalawa para bulungan.

"I like...to punch both of you! Stop teasing me to him. As if naman na magkakagusto ako sa kaniya 'no, like duh." natatawang sabi ko sa kanila. Tinawanan na lamang nila ako at dumeretso na kami sa canteen. Pero habang nagtatagal hinahanap ko pa din si Rhink.

"Nasaan ba 'yon?" bulong ko habang hinahalo ang spaghetti na binili ko.

"Ha? Sino?" nagtatakang tanong ni Kiel. Nabili kasi si Vanna ng drinks namin. Napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya narinig niya.

"Ah, wala 'yon, sige na kain na tayo. Grabe nakakagutom talaga mag aral."

"Ikaw nga umamin ka saken. Gusto mo o hinde?"

"Kiel naman."

"I'm asking you, Zy. Do you like him or not?"

"Ahm.." sagot ko. Nag iisip kung sasabihan ba ito o hindi. Dahil alam ko naman na gusto ni Vanna si Rhink.

"Ano?"

"Hehe.."

"Kingina, Zy, daliii naa." pamimilit niya, pinapadyak pa ang mga paa, isip bata.

"Fine! I like him but not that much. Hindi ko masabi kasi alam ko naman na gusto ni Vanna si Rhink e." paliwanag ko dahil alam kong magtatanong siya.

"Siraulo, hindi siya gusto ni Vanna, tinitrip lang." sabi niya sa'kin. Inantay ko makarating dito si Vanna at tinanong iyon. Ang sabi niya ay gusto niya daw pero sakin na lang kasi mas bagay kami.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ulit kaming tatlo. Ngunit sa pagbalik namin ay walang Rhink at Adeline kaming nakita, nagtaka naman ako. Dumating na rin ang teacher kaya nagfocus na lang ako sa lesson niya kaysa naman isipin ko pa silang dal'wa.

Hayden's POV

Nakita at napakinggan ko ang alitan ni Marree at Adeline kanina. Kaya naman nung lunch time na at nakita ko si Adeline na lumabas ay sinundan ko siya.

Who Are You?Where stories live. Discover now