Prologue

3 0 0
                                    

Heart

Nang huminto ang jeep na sinasakyan ay nagmadali na akong bumaba sa kung saan kami magkikita ng kaibigan ko. Inayos ko muna ang nagusot na blousa at ang tamang kalalagyan ng denim skirt. 'Tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Lakad takbo ang ginawa ko dahil sa init ng araw at usok na nanggagaling sa mga sasakyan na dumadaan. Medyo malayo pala ang binabaan ko.

Kailangan daw namin sulitin ang summer break bago magpasukan. Pabor naman sakin yun dahil nabuburyo na ako sa loob ng bahay. Si kuya na lang ang palagi kong kaharap, umaga hanggang gabi. Asar talo pa naman yun lage. Si mama naman ay busy sa kanyang resto. Kaya ito ako piniling kumawala at mamasyal kasama ang kaibigan. Isang linggo na lang ang natitira para sa bagong kabanata ng pagiging kolehiyo.

Malayo pa lang ay kita ko na siya. Wearing a high waist jeans and a halter top. Naka-upo sa may waiting shed sabay nguya sa kinakain niya. Si Mecca.

Kaharap ang  naglalakihang mga gusali at ang mga dumadaang sasakyan. Binilisan ko naman ang pag-lalakad. Isang oras na akong late sa usapan namin. Ayaw na ayaw pa naman ni Mecca na pinaghihintay siya. Dapat siya daw ang hininintay. Tatawagin ko na sana siya nang may narinig akong umiyak.

"Bakit? Mark bakit?" boses ng babaeng umiiyak.

Napahinto ako sa paglalakad. Hinanap kung saan yung babaeng umiiyak. Dahil tago ay kailangan ko pang sumilip para makita sila. Nilagay ko sa ulohan ang magkabilang palad para pang-sangga sa init ng araw. Ang mga dumadaang tao ay napapahinto at nagtataka sakin. Hindi muna ako lumapit at pinakinggan sila. Pag may ganitong eksena makikinig muna ako at intindihing mabuti kung ano ang nangyayari. Mahirap na pag nagkamali.

Nakaluhod ang babae habang sapo ang mukha sa kakaiyak. Pamilyar sakin ang babae. An ASU student?

"I don't love you Nem. Let's break this up" matigas na aniya ng lalaki. Napatingin naman ako sa lalaki. Maayos manamit, gwapo at halatang mayaman pero mukhang...

"No! Please don't break up with me.". Tumingala ang babae sabay hawak sa magkabilang kamay ng lalaki.

Ang lalaki naman ay parang wala lang sa kanya ang pagmamaka-awa ng babae. Nasa magkabilang bulsa pa nga ang mga kamay ! Abat ! Alam ko na kung ano siya.

"Don't. Please Mark"

"I don't love you Nem okay? Lahat nang iyon ay laro lang! Pampalipas oras lang. Ang dali mong maniwala. May mahal akong iba. Naiintindihan mo ba?" malamig na may halong inis na aniya ng lalaki. Tama ako. Tsk. Another Playboy!

"Who? Please babe don't do this to me. Please! Sabi mo pa nga kagabi mahal na mahal mo ko eh. Kaya nga kahit minsan na tayong mag-usap at palagi kang malamig sakin hinayaan ko 'yon kasi mahal kita. Please!" pagmamakaawa ulit ng babae ngunit parang bingi lang ang lalaki.

Boys and their cold treatment.

Nanlalaming at pilit mong inaayos ngunit wala parin. Hanggang sa ikaw na mismo ang makikipaghiwalay dahil napagod kana sa kakaintindi at kakasuyo.

Nice strategy boys.

Kaylan ba sila titino o kaya naman maubos? Dagdag populasyon sa bansa! Di ba nila naiisip na may kapatid din silang babae at nanay na nagluwal sa mundong ibabaw? Na posibleng ding mangyari sa kanila at mapaglaruan?

Pilit na nagmamaka-awa ang babae. Ngunit sa uli ay umiling lang ang lalaki at malakas na winaksi ang kamay ng babae. Halata sa mukha ng babae na nasaktan ito. Nakakaawa tignan.

The Hate Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon