Chapter One

1 0 0
                                    

Doesn't Exist

Mabagal akong nakarating sa bahay dahil sa tuwing hahakbang ako ay sumasakit ang balakang ko. Di man lang ako tinulungan, kung sino man siya. Walang hiya ka at walang awa sa mga babae! Eh siya itong di alam kung may sasakay ba. Paano kung matanda ang nabangga niya? Edi nabalian na ng buto sa balakang ang matanda tapos sasabihing "sorry matanda" lang? Di niya tutulungan?! Nasa may gate na ako nang mapansin ako ni Tita Carmen. Kalalabas lang niya sa may gate nila.

"Allez, anong nangyari sayo?" usisa ni Tita sakin.

"May bumangga lang po sakin, Tita nung pauwi na 'ko."

"Ayos ka lang ba? Sa susunod mag-iingat ka na."

"Opo Tita. Wala lang po ito."

Pagpasok ko ay naabutan ko si kuya sa sala na nanonood ng NBA2k18. Maingat akong lumapit sa pang isahang sofa para maupo. Uupo na sana ako nang biglang  sumakit ang balakang ko. Huminga ako ng malalim at ininda ang sakit.

"What happened bunso?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"Wala kang pake!" malakas na sigaw ko sa kanya.

Wag mo akong inisin Alfie Arcon Villa Esca!

"Woah!" siya naman ay tila naguguluhan kung anong nangyayari dahil sa malakas kung pagsigaw. Hawak ang balakang ay dahan dahan akong umupo. Ang sakit. Walang hiya at walang awa talaga kung sino man ang lalaking yun. Shetteng siya!

Napatingin naman ako kay Kuya nang bigla siyang tumawa ng malakas. "May nakakatawa ba sa pinapanood mong NBA?" takang tanong ko.

"Mamaya bunso bibigyan kita ng tungkod." aniya habang tumatawa na naman ng malakas.

"Bagay pala sayo maging matanda na." dagdag na pang-iinis pa niya.

"Walang hiya ka rin!" sabay hablot at bato ko sa kanya ng unan sa sofa. Sapol naman ito sa mukha pero di pa din tumitigil sa pang-iinis. Isip bata !

"Ako? Ang gwapo ko namang walang hiya bunso." pagmamalaki niyang sabi at dumekwatro. Inayos niya ang buhok with pogi sign pa. 

"Hala? Jusko po, babagyo 'ata" at ang walang hiya tumingin pa sa labas.

"Di naman ha. Nanood ako ng balita kanina wala namang bagyo o low pressure." nasapo ko ang aking noo. Wow! Ang slow mo no? Slow! Walang bagyo dahil ikaw ang magdadala ng bagyo!

"Hayss! Ewan ko sayo. Ang slow mo po!" tumayo na ako at ininda ang sakit. Nagkibit-balikat naman ang huli at di talaga ma gets ang punto ko.

"Oyy! hintayin mo yung tungkod mamaya. Manghihiram ako sa kapitbahay." pahabol na naman pang-iinis ni Alfie Jr.!

"Salamat jr.!" natatawang sagot ko. Alam ko na ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang jr. Nakakakilabot daw. Napaka talaga sa lahat.

"Don't call me that! Don't!" ngayon ay nakasimangot na siya sa akin.

"Opo jr." pilit akong sumeryoso kahit nakakatawa na ang mukha niya. 

"I said don't call me that Allez!" nainis na ito sakin at tinawag na ako sa pangalan ko. Wala na sa TV ang niya atensyon at pumula na ang makabilang pisngi pati na ang tainga.

The Hate Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon