Chapter Six

0 0 0
                                    

Happiness

Kasalukuyan akong nagbibihis nang tumunog ang aking cellphone. Nagmamadali akong kunin iyon sa night stand habang inaayos ang pagkapusod ng buhok ko.

["Good Morning Lez. Wassup?"] masiglang bati ng kabilang linya.

"Morning too Mecca. Ang hyper natin ngayong unang araw ha. Bakit kaya?"

["Heh! Excited lang ako Lez. Wala nang iba."]

"Sus! Excited raw. Eh baka naman excited kang makita ang crush mo! Di ka naman crush nun eh. Aasa ka lang Mec." aniya ko sabay kuha sa shoulder bag ko na nasa paanan ng kama.

["Hindi hah! Ang sama mo po. Sige na, kita na lang tayo sa school gate. I'll wait for you. Bye"]

"Okay. Bye"

Isang ulit ko pang pinasadahan ng tingin ang sarili bago bumaba ako sa sala at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko si mama na naghahanda ng almusal.

"Good Morning ma," bati ko sabay halik sa pisngi niya.

"Good Morning din anak" ngiting ganti niya sa akin.

"Si kuya po? Di ba po sasabay sa atin?"

"Tulog pa ang kuya mo. Late nang nakauwi kagabi. Kumain kana anak. Mauna na tayo" ngumiti naman ako kay mama.

"Kayo din mama. May aasikasuhin pa po kayo sa bagong restaurant niyo." paalala ko sa kaniya.

Natapos na kase ang pangalawang resto. May kunti kulang pa na kailangang asikasuhin at mga gamit na bibilhin bago magbukas sa susunod na linggo. Masaya at excited naman si mama sa bago niyang resto.

Nang matapos na kaming kumain ay nag-iwan ng sticky note si mama sa lamesa para kay kuya. Ilang minuto kong hinintay si mama para makaligo at makapagbihis bago kami umalis ng bahay.

Dahil maaga pa ay si Mama ang naghatid sakin sa ASU 'tsaka siya dumeritso sa bago niyang restaurant. Sa may gate pa lang ay kita ko na si Mecca. Nakasandal siya sa pader na malapit lang sa gate. Nang makita ako ay tumuwid siya ng tayo. Para siyang modelong naglakad pasalubong sa'kin. She's always pretty.

Kagaya ko ay naka black jeans din siya at naka off shoulder na kulay white with a well-known designer hand bag. Sa akin naman ay long sleeves na kulay gray. Na tinupi ko hanggang siko.

May school uniform policy ang Asuelo State University. Sa ngayon ay ayos dahil unang araw pa ng pasukan. Pinagsabihan na kami nung enrollment at binigyan kami ng dalawang linggo para mag-suot ng civilian bago ang school uniform ng ASU.

"Hey" bati ko sa kanya. Nakangiting lumapit naman siya sakin sabay abot sa kaliwang kamay ko.

"Buti nagpahatid ka sa mama mo."

"Yeah. Maaga pa kasi kaya hinatid ako ni Mama." nag-cocommute ako pag-nauuna na si mama papunta sa kanyang resto. Minsan rin lang ako sumasabay kay kuya dahil nauuna siya papuntang trabaho. Eight ang pasok niya sa firm, nine naman kadalasan ang start ng first class ko.

"Mec crush mo!" biro ko.

"Saan Mec?" mabilis niyang tanong sabay linga-linga.

"Joke lang. Akala ko ba di ka excited makita ang crush mo?" Sumimangot naman ang huli. Tss! Halata masyado.

"Walang hiya ka!" pabirong niyang hinila ang buhok ko.

"Tss. Tara na nga! Pumasok na tayo!" hinila ko na siya papasok sa gate.

Third year college na kami ni Mecca sa Asuelo State University. Mag-kaiba kami ng kursong kinuha sa kanya ay Fine Arts major in Fashion Design. Gusto niya maging sikat na designer and I know she will be. She had the skills for a fashion designer. I seen her different drawings, from a casual wear to dashing party suit and gowns. Pagmamay-ari ng mga magulang niya ang isang sikat na kompanys. Ang "REVANO CLOTHING LINE COMPANY." The famous company is now manage by her brother Mico Keith Revano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hate Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon