Buong buhay ko, sya na ang nasa tabi ko.
Ginusto ko ba? Hindi. Ginusto nya rin ba? Hindi rin.
Nadamay labg talaga kami sa friendship ng mga magulang namin.
Gwapo sya, maputi, chinito, mabango, matalino, at matangkad.
Pero napakasama ng ugali niyan.
Sa akin.
Sa iba mabait, anghel ang peg.
Anghel na sinubsob sa lupa.
Maya't maya kami nag-aaway. Aso't pusa.
Pero kapag kailangan ko siya, nandiyan siya para sakin. Pag may umaaway, nililigtas niya ako.
Maganda rin siyang kausap. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapan.
Pero maya-maya, lilitaw ang kademonyohan niya.
Nababanas talaga ako sa kanya.
××××××××××××××
Author's Note
Medyo life story ko to. Pero yung part na love story sya, no.
May frenemy ako since kinder. Magkapitbahay kami, magkabatch sa iisang school, magkasama sa service, magkaibigan sila ng kapatid ko tapos magkaibigan pa ang parents namin.
Until now, same school pa rin kami. Ansaya-saya. -____-
Nawa'y ipagpatuloy nyo ang pagbasa dito.
Goodluck sakin.
Harthart,
shea the great

BINABASA MO ANG
Frenemy
Teen FictionWala kaming ginawa kundi mag-away. Mag-asaran. Mag-sapakan. Status namin? Frenemies.