1. Frenemies

8 0 0
                                    

"GIAN! ANO NA NAMANG NANGYARI SAYO?!" sigaw ng mama ni Gian sa kanya.

Nagkamot lang ng ulo si Gian.

Sabog na buhok. Namumulang tainga.

Iyon ang itsurang bungad ni Gian sa ina.

"Inaway mo na naman ba si Maui?!"

"Hindi po."

"E bakit ka ganyan?"

"Hindi ko po alam na alaga ni Maui yung naapakan komg ipis. Kaya nya po ako sinabunutan tsaka piningot."

"E tatanga-tanga ka kasi! Nako ka talaga!"

Nagdabog papasok ng bahay ang nanay nya.

Nang matahimik na ang lahat, ang 4 years old na ako ay lumapit sa kanya.

"Gian?" Tinawag ko siya.

Lumingon siya sa akin.

"Sorry..." bulong niya habang nakayuko.

Lumapit ako sa kanya at hinagod ko ang buhok niya.

Tumingala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Sorry din. Kasalanan ko naman din e." Sabi ko. Nginitian niya lang ako.

Itinaas nya ang hinliliit niya.

"Friends ulit?"

Itinaas ko rin ang hinliliit ko at ipinalibot sa hinliliit nya.

"Friends."

FrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon